Pumasok ako sa elevator. Tumingin ako kay Lance. Bago magsara ang pinto ng elevatoe ay nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Alam kong gusto niya pa akong makasama ngunit alam niya rin na hindi pwede at hindi na ‘to pwedeng maulit pa. “I’m sorry, Lance..” Sambit ko sa kanya habang malungkot ko siyang tinitigan habang nakangiti ako, hanggang sa tuluyan na itong magsara. Dumiretso ako sa room namin ni Liam at napaupo sa sofa. Ngayong wala na sa paningin ko si Lance ay para bang nanghihinayang ako na hindi ko sinulit ang oras na kasama ko siya. Gusto kong bumalik doon pero pinipilit ko ang sarili ko na manatili dito sa kwarto dahil narito ang asawa ko. Nakikipag-mingle sa iba habang tuwang-tuwa naman ang ina niya. Ala-una na ng madaling araw nang maramdaman ko si Liam sa tabi ko sa kam