“Saan ka ba pupunta? Nasaan ang partner mo?” Tanong ni Lance sa akin habang hinahaplos ang balikat ko para patahanin ako. “Nandoon rin siya sa party. Kausap yung babaeng gusto niyang kumontrata ng negosyo sa kanya.” Sagot ko. “Ah, si Lateisha? Hindi ko masisisi ang asawa mo na hindi lapitan ang babaeng yon. Sa totoo lang kilala siya ng magulang ko. Nandito ako kasi narito ang parents ko. Sa totoo lang tinatamad akong sumama kasi wala naman akong hilig sa ganito. Pero mabuti na lang napilit nila ko. Who would have thought na magkikita ulit tayo rito.” Ngiti nito sakin. Naalala ko na naman ang mga nangyari sa amin sa El Nido. Napakagat ako sa aking labi nang alalahanin ang bawat hagod at haplos niya sa katawan ko. “Mabuti na lang pala sumama ka. I’m happy to see you.” Ngiti ko sabay pun