Inilapag ng waiter ang main dish sa mesa at tahimik na umalis pagkatapos. “Naaalala mo pa ba yung unang beses na nag-date tayo?” Tanong ni Liam habang hinihiwa ang steak niya. Ngumiti ako at inalala ang unang date namin. “Oo, sobrang fancy rin. I just missed the old times.” Wika ko. Tahimik si Liam. Napatigil siya saglit sa paghiwa ng kanyang steak ngunit sumaglit lang at pagkatapos ay tinuloy na niya ulit. “I know I’ve been away from you at halos wala ng oras sa isa’t isa.” Napansin kong medyo dumiin ang paghiwa nito sa steak. Minabuti kong baguhin ang mga salita ko dahil nakaramdam ako ng konting kaba sa kanyang naging reaksyon. “Okay lang naman yon. Naiintindihan ko dahil busy ka sa business.” Wika ko. Para akong naglalakad sa alambre. Bakit kailangan kong maging maingat sa mga sasa