Chapter 20

1275 Words

Napahawak ako sa dibdib ko at natulala dahil sa mga binitiwang salita ni mama Ynez. Hindi ako makaiyak. Pakiramdam ko napakasama kong tao dahil sa mga sinabi niya. Pakiramdam ko nilandi ko lang si Liam kahit alam kong hindi ako ganong tao. Pakiramdam ko ginamit ko ang anak niya dahil sa pera nito kahit alam kong hindi ako pinalaking oportunista ng mga magulang ko. Huminga ako ng malalim at sa pagbuga ko ng hininga ko ay tuluyan nang nagsipatakan ang mga luha ko. Sa sobrang sakit ng mga salitang iyon ay para bang sinaksak ang puso ko ng paulit-ulit habang paulit-ulit na nagpe-play sa isip ko. Sinubukan kong kumapit sa comforter ng kama at mahigpit itong hinawakan para isuporta ang bigat ng katawan ko. Pilit kong kinakalma ang sarili ko ngunit hindi ko magawa. Tumayo ako at pumunta sa m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD