“Were you hurt?” Kumalas si Phoenix mula sa pagkakayakap sa akin. Napanguso ako. Pakiramdam ko ay ang laki agad nang nawala sa akin. Gusto ko pang maramdaman ang init ng katawan niya sa malamig na gabing ito. Nabitin ako sa yakap. “M-may masakit ba sa ‘yo? Are you okay?” Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat habang masuring pinapasadahan ng tingin ang aking kabuuan. I want to ask him how he gets here. Pero hindi ko magawang maibuka ang aking bibig dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nandito na siya. Matapos ang ilang araw na pangungulila sa kanya, sa wakas ay nahahawakan at kasama ko na siya. “Please answer me, missy. You want me to bring you to the hospital?” Kahit madilim ay kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha ni Phoenix. Ang boses ay tila hindi mapakali