Tawang-tawa ako habang nasa loob ng sasakyan habang si Phoenix ay seryosong-seryoso na nagmamaneho. Halos pasibadin niya ang kotse na akala mo ay may humahabol sa amin. “Nagmamadali ‘yan?” Pang-aasar ko sa kanya, pero wala akong nakuhang sagot. Pinagkrus ko ang aking mga binti dahil hanggang ngayon ay ramdam ko ang pagkibot ng aking pagkab*b*e. Sa panunukso ko sa kanya ay parang mas ako ang naaapektuhan. Tahimik lang siya pero ramdam ko ang tensyon sa kanyang katawan. Mabibigat ang paghinga na para bang matinding pagpipigil ang kanyang ginagawa. “Ahh…” Nakagat ko ang aking labi para supilin ang napipintong pagsinghap nang ipatong niya ang malayang kamay sa aking naka-expose na hita. Hindi iyon gumagalaw ngunit sapat na para magdulot ng kakaibang kiliti sa bawat himaymay ng aking pa