Olivia's POV Malalim na hininga ang pinakawalan ko nang makasalubong ang titig ni Chase. Hindi ko mabasa kung ano ang nilalaman nang isip nito, pero isa lang ang masasabi ko, galit ito. Hitsura pa lang ay parang lalamon na ng tao. I cleared my throat. "Mr. King, what are you doing here?" Wala sa sariling tanong ko. Imposible naman na siya ang client ng kompanya, ang pagkakaalam ko, allergic ito sa SDC, for some personal reasons. "Hindi ba't ang kompanya ninyo ang may kailangan sa akin? You're my company's client." Malamig ang boses na saad nito, sabay lagok ng wine sa hawak nitong wine glass. Kumunot ang noo ko saka napalunok. Lumapit na rin ako sa mesa saka umupo. "I'm sorry, I thought..." Nabitin ang kung anuman ang sasabihin ko nang tumayo siya mula sa pagkakaupo. Sinundan ko ang