Naka-pantulog na akong lumabas sa kwarto, naabutan ko si Jasmin sa sala, nakaupo sa sofa at may tinitingnan sa cellphone, masyado itong naka-focus sa kung ano ang kinakalikot sa phone nito kaya hindi napansin ang paglapit ko. Pumwesto ako sa likuran niya. Kumunot ang noo ko nang makita ang ginagawa nito sa cellphone. Tinitingnan lang naman nito ang picture ng kaibigan nitong si Kidd. "Crush mo?" untag ko sa kanya. Nagulat siya kaya napatingin sa likuran sabay lapag ng cellphone nito sa kandungan. "Mom, hindi maganda sa isang tao ang naninilip sa kung ano ang ginagawa ng kapwa tao mo." Nakasimangot nitong sabi. Tinabihan ko siya sa sofa. "Curious lang ako, anak. Gusto mo ba si Kidd?" Seryoso kong tanong, kung si Kidd ang magiging boyfriend nito ay boto ako. Bukod sa masipag at mabait,