Olivia's POV "Congratulations!" masayang bati ko kay Jasmin. Nasa ice cream shop kami ngayon dahil pagkatapos ng final interview nito niyaya akong mag-ice cream. "Thank you, Mom." Matamis ang ngiti nito sa labi. "See? I told you, papasa ka." Proud na saad ko rito sabay dila sa ice cream cone na hawak ko, kinindatan ko pa siya. Tinawanan ako nito sa ginawa ko. I checked my wristwatch, It's already ten in the morning. Puwede pa akong pumasok sa company mamaya, sayang din ang sasahurin ko. "Hey, baby." Untag ko rito, she rolled her eyeballs at me–at alam ko kung bakit. "Mom, don't call me baby, lalo na kapag nasa public tayo." Saway nito sa akin. "I'm already 21 years old." "But you are still my baby," ani ko saka pinanggigilan ang kanang pisngi nito."Anyways, papasok ako mamaya sa w