Hindi pa rin mawala ang kabang nararamdaman ko nang huminto ang kotse ni Chase sa Penthouse building na halos mayayaman lang ang nagmamay-ari sa bawat unit. Naunang bumaba si Chase, saka ipinagbukas ako ng pinto, nagdadalawang isip pa akong bumaba. Paano na lang kapag may nakakita sa amin? Paano na lang kapag may mga media na makakita sa amin? Hindi naman malabong wala, isa sa mga batang eligible bachelor sa bansa si Chase kaya madalas nagiging laman ito sa mga sikat na magazines o news. Gusto kong iuntog ang ulo, bakit ba hindi ko naisip iyon? "Olivia," untag sa akin ni Chase. Napatingin ako sa kanya. "Chase, baka may makakita..." Luminga ako sa paligid ng parking area. Tumawa ito nang mapakla. "C'mon, Olivia. Ano ba ang ikinakatakot mo?" Nanunukso ang mga mata nito. "Chase, kung g