OLIVIA'S POV Kinabukasan maaga pa rin akong pumasok sa trabaho dahil kailangan. Balak ko ring mag-file ng vacation leave, hindi ko na iyon nagagawa pa. Pero pagkatapos nang nangyari kagabi, na realized ko na kailangan ko ring magkaroon ng time para sa sarili ko. Muli na namang sumagi si Chase sa isipan ko at ang naudlot naming ginawa. Bwesit na period! Napayuko ako sa table, saka mariing pumikit. Parang echo na paulit-ulit ang sinabi nito kagabi na gusto nitong makipagrelasyon sa akin, para ano? Kung katawan ko lang ang habol niya p'wede kong ibigay iyon na wala nang relasyon pang namamagitan. "Olivia, are you okay?" untag sa akin ni Carla nang makita akong nakayuko sa mesa. Nag-angat ako nang tingin kasabay ng pagsilay nang pilit na ngiti. "Yes, medyo sumakit lang ang ulo ko," sagot