Chapter 1: Hustisya, magkano ba ang iyong halaga?

768 Words
LAIRE'S POV: Nakakap*****-ina. Nakakagalit. Nakakapanghinayang. Isa lang akong ordinaryong bababe sa bansang aking kinagisnan. Hindi na mahalaga saan ako galing dahil bawat espasyo dito sa mundo, tanging may pera lamang ang pwedeng makakamit ng hustisya. Napakadumi! Marahil nga ay alipin tayo ng yaman sa lipunan. Nagliliwanag ang ating mga mata at ngumingiti ang mga labi kapag pera ang pinag-uusapan. Wala nga tayong pinagkaiba! Pero---- ibahin niyo ako. Dahil hangad ko ay hustisya! Kailangan ko nang hustisay! Sigaw ko ay hustisya! Kailangan ba talaga nang malaking halaga? Pwes, hihigitan ko pa! Isang taon na ang nakalipas nang mamatay ang aking Ama at kapatid sa pamamaril ng mga armadong lalaki. Napakasakit. Wala akong magawa sa mga araw na iyon dahil sa takot na aking nadarama. Tatlong lalaki sa aming harapan habang nakatutok ang kanilang mga armas sa amin. Tanda ko pa noon ang sinabi ni Ama, “Pakiusap huwag niyong idamay ang pamilya ko! Ako na lang ang patayin niyo! Maawa kayo! Pakiusap!” Si Inay ay humahagulhol na rin sa iyak at ramdam namin pareho ang kaba at takot para sa aming lahat ---- lalo na sa aking mga kapatid. Ayaw kong makita nang mga inosente nilang mata ang karumal-dumal na pangyayaring iyon. Pero---huli na at nangyari na. Bakit wala akong ginawa? Patawad Tay! Patawad Ara! Patawad dahil wala man lang akong nagawa para maligtas kayo! Hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa isip ko ang mga pangyayari. “Mr. Sandoval! Wala ka nang takas ngayon! Kung nanahimik ka lang, hindi sana aabot ‘to sa ganito! Patayin niyo siya!” At biglang pumutok ang baril ng hinayupak na lalaking iyon. Demonyo! Walang puso! Kahit sa aking kamatayan, ibabaon ko siya at ang kapatawaran na kailanman ay hindi niya mahahangad. Labis ang aming pagluha nang kaganapang iyon --------si Itay na wala nang buhay at nakahandusay sa sahig. Walang nagtangkang lumapit dahil sa pagbabantang katumbas ---- kamatayan. “ITAY!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!” Puno ng nakabibinging sigaw ang paligid ng aming bahay. Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo. Hindi alam anong nararapat na maramdaman----galit, hinagpis, lungkot, poot at sakit. Ngunit, isa lang ang hinangad ko ---- ang makaganti at mapatay ko mismo sa aking mga kamay ang mga p*nyeta. Balang araw mababaon rin sila sa lupa! Napakasakit mawalan nang mga mahal sa buhay. Nakakabaliw dahil sa mga emosyong bago pa lang sa pakiramdam. Nakakatakot magpatuloy sa kwentong buhay na wala na sila. Nakakalungkot sa tuwing hanap mo ang mga ngiti at kanilang tawa. Si Ara -----------aming masayahing bunso. Napakabait na bata. Patawad dahil walang nagawa si Ate. Kung pinigilan lang sana kita patungo kay Tatay----kasama at kayakap sana kita ngayon. Patawad kung naging duwag ako. Sa ating lahat, ikaw ang naging matapang para protektahan si Tatay --------na ‘di mo na dapat ginawa at alam ko iyon din ang gusto ni Tatay. Magbabayad sila! Hustisya! Bawat araw na nagdaan, tumitindi ang galit at poot sa aking dibdib. Hangga’t walang buhay na kabayaran patuloy pa rin akong lalaban ---- kahit ipagdiinan man ako sa ibabang bahagi ng lipunan. Mahirap makipaglaban nang pantay sa mga taong sarado ang utak at takot na malaman ang katotohanan. Ang hirap kapag pera na ang pinag-uusapan. Ang daling magtago sa limpak-limpak na salapi, ngunit----hindi natutulog ang karma at konsensya! Minsan nakakawala na nang gana at pag-asa sa mga salita na kahit anong gawin ay wala pa rin. Wala nang saysay ang mabuhay sa mundong pilit na tinatama ang mga mali. Mga kasalanang dapat pagbayaran ay pilit kinakalimutan at binubura sa kasaysayan. Ganito na nga ang buhay ngayon. Nakakagalit! Ang hirap maging dukha! Sawang-sawa na ako sa lintik na sistemang ito! Bakit ang hirap mong makamtan? Kahit minsan naman------kampihan mo kaming mga mahihirap. Tsssssskk. Nakakapanghinayang. Sino pa bang magtataka? Bawat may halaga ay nabibili ng pera. Lahat naman tayo ay may halaga, di ba? Pwera na lang kung ipagpapalit mo sa pera! Tanda ko pa ang mga mukha nang tatlong hayop na iyon. Lumapit na kami ni Inay sa isang abogado --- si Mr. Oliver na matalino, mabait at may prinsipyo. Nakapagpasketch na rin kami sa isang propesyunal na mangguguhit. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring impormasyon sa kinaroroonan at motibo nang krimen. Wala pa ring nangyayaring pag-usad sa kaso. Ni hindi matukoy ang mga pangalan nang mga armadong lalaki kahit pa may litrato na kaming pinakita. Nakakapagtaka. Baka may nabayaran nang malaking halaga. Buwisit! Alam kong malaking tao ang nasa likod nang krimeng ito. Kung gayon ay magkaalaman na kung ano nga bang mas matimbang at papanigan nang tadhana. Kung hindi ko man maipaglaban nang naaayon sa batas, pwes ipaghihiganti ko ito sa ibang paraan kahit pa magkamatayan!

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD