Epilogue:

265 Words
LAIRE'S POV: Nakakapagod. Nakakatakot. Nakakalungkot. Nakakadismaya. Ganito ang mabuhay sa mundong walang kasiguraduhan at kasukdulan. Hindi mawari saan patungo at hanggang saan ang kakayanin. Gusto mang umahon ay hindi alam ang gagawin sa panahong walang-wala ka na. Pilit na kumakapit sa salitang “PAG-ASA”, ngunit may aasahan pa ba? Kaya pa bang maghintay sa darating na umaga? Lilipas kaya ang sakit na nararamdaman kung dadamhin ko ang pag-asang walang kasiguraduhan? Marahil sa iba ay “OO”, ngunit bakit pag “HINDI” ay tinatakwil at nagiging masama ka sa paningin ng iba? Mali bang sabihin na mahina na ang aking katawan at hindi ko na kaya? Mali bang sabihin na gusto ko munang magpahinga at nang minsan ay makawala sa sakit ng tadhana? Mali nga ba? Sabihin mo! KLENT'S POV: Nakakabighani. Nakakagalak. Nakakatawa. Nakakasawa. Ganito ang mabuhay sa mundong puno ng pribilehiyo at kayamanan. Ang sarap mabuhay nang walang kahit anong iisipin. Babae. Kotse. Alahas. Libo-libong business properties. Kahit ano pa yan ay kayang bilhin ng pera. Walang sinuman ang pwedeng humadlang sa aking mga kagustuhan at kahilingan. Kahit tadhana ay kaya kong pigilan nang isang iglap lang. Ang saya nga naman, di ba? Natikman ko na lahat ng sarap ng kaunlaran. Nabighani na ako sa klase-klaseng babae na aking inangkin at pinagsawaan. Ngunit, bakit parang may kulang? Nakakasawa. Ito ba ang kapalit nang pagiging magara at mayaman? Kung gayon, ay wala na akong magagawa. Nais ko nang magpahinga at makawala sa nakakasawang buhay na paulit-ulit na lamang. Ano nga ba ang kulang sa buhay ko? ¡Contéstame! (Do answer me!)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD