CHAPTER SEVEN √

1297 Words
CHAPTER 7 Aira's POV. "Salamat nga pala kanina." Hindi ko alam na makakaya kong gawin yun at lalo nang wala akong alam pagdating sa spy-spy na tinatawag." Tanaw dito ang mga magagandang city lights kasi nasa mataas kami na parte ng building. Nakasandal siya sa kanyang upuan at nakapikit pero hindi siya natutulog. Napapansin kung tinititigan niya ako pero dedma lang at patuloy akong nakatingin sa magandang view. "Ako nga dapat ang magpasalamat sayo, you did a great job." Tinignan niya ako pero hindi ko siya hinarap. Mas lalong manghihina ako kapag napaka lagkit ng tingin niya sakin. "Hindi ko naman magagawa yun kung hindi dahil sa inyo." Sagot ko. "Kung wala kayo wala din 'yun." Dagdag ko pa. "No, kung wala ka walang success. Kasi ikaw 'yung nagdala ng plano kanina ang galing mo." Napangiti naman siya sa sinabi niya. Magaling silang mga DIAP kaya bilib din ako sa kanila kasi magaling sila mag solve ng mga problema when it comes illegal. Tsaka mabibilis sila i mean alerto sa bawat oras laging handa. Pero mahirap ang trabaho nila kasi hindi nila alam ang kanilang papasukan at lalabasan I mean kung ano ang magiging kalalabasan ng kanilang papasukang plano o misyon. “Ganon pala kahirap ang trabaho niyo noh? Nakalubog ang isang paa niyo sa hukay.” I heard him sighed. Kasi kung hindi kriminal ang kalaban nila may drug addict or drug lord pa, kung hindi saksakan may barilan kaya hindi nila talaga alam kung buhay pa sila sa kanilang pangalawang misyon o makaka-uwi pa kaya sila sa mga mahal nila sa buhay na ligtas at walang gasgas ang katawan. “yes, its not an easy work but sa pangalan ng kapayapaan dapat naming pagsilbihan ang aming obligasyon.” sagot niya. Maya-maya pa ay biglang nag-ring ang cellphone niya at agad niya akong tinignan at tumango naman ako para sagutin niya ang tawag. Hindi ko alam bat napakabuti niyang tao sakin simula nang mamatay ang pamilya ko parang kinupkop na niya ako sa bahay nila. Hindi naman sa gusto kung tumira sa kanila pero ayaw niya akong umalis dahil mapapahamak daw ako. Kasi pamilya koraw pinatay so may posibilidad na patayin din ako pero nagkataon lang na wala ako sa bahay nang mangyari ang p*****n. Hindi ko maintindihan bakit ba nila pinatay ang mga magulang ko anong kailangan nila sakin? “I have to go, pinapatawag kami sa office you stay here okay?” pagpapaalam niya. Mukhang nagmamadali siya at importante ang kaniyang pupuntahan. Agad naman akong tumango sa sinabi niya at mabuting dito nalang muna ako. “Sige mag-ingat ka,” Third person’s POV. Mabilis na nakarating sa opisina si Jaeden at mukhang may masamang balita na naman, nakita niyang naka-upo si Lance at nakayuko sa gilid at agad niya itong pinuntahan. “Pre, anong nangyari?” walang imik si Lance tanging nakayuko lang siya at ayaw niya magsalita. “Mr. Frondoso hinihintay kana sa loob.” agad naman siyang tumayo at tinitigan muna si Lance bago tumalikod, hindi niya alam kung ano ang nangyari at walang imik si Lance. “Mr. Frondoso.” bungad sa kaniya ng Chief of Police at napatuwid ng tayo si Ian nang makita niya ito at sumaludo, “Sir!” Mukhang may hindi magandang mangyayari sa loob ng opisina at nandun si Camila at iba pang kasamahan sa DIAP Team at iba pang kapulisan. “Nandito ako para sabihan ka na magpahinga ka muna ng tatlong buwan, you’re suspended for three months.” napatingin si Ian sa kanilang Chief of Police at kunot ang noo. “Bakit sir? Anong nagawa ko?” kunot noo niyang tanong, “Tungkol ito sa drug lord at palpak niyong misyon, ayoko munang nakikita kang nahihirapan gusto kong magpahinga karin.” (COP) Caballero stated. “Sir! Hindi ako nahihirapan tsaka may lead na kami kung saan at sino si Alice!” mukhang buo na ang desisyun ni Caballero at ayaw na niyang bawiin. “We have too, at kikilos na kami as the new DIAP President.” Singit ni Camila na agad nanginig ang loob ni Ian, Tinignan siya ni Ian ng napakasakit at agad itong binalik ang atensyon kay (COP) Caballero. “Sir!” pagmamakaawa niya. “Give me one month tatapusin ko ’to.” dagdag pa niya. “Im sorry Mr. Frondoso.” agad itong umalis. Wala nang magagawa pa si Jaeden at buo na talaga ang desisyun ni Caballero na suspendihin siya ng tatlong buwan kahit na anong pagmamakaawa niya ay buo na talaga ito at wala nang balak pang itigil ang suspension. “Pasensya kana pre wala akong magawa e hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.” nalulongkot na paumanhin ni Lance. “Siguro lahat ng ‘to may plano at may dahilan.” sagot ko. Kasi biglaan ang pag-suspendi sa ’kin wala man lang akong idea biglaan e siguro pakana ni Mendez ‘to. Tungkol ito kay Alice gusto nilang makuha si Alice using theire plan kasi alam nila na mas mauunahan ko sila. “Wala ‘yun, pagpatuloy mo lang trabaho mo at tawagan mo lang ako sa mga plano nila para may idea tayo.” sagot kopa. “Syempre, ikaw pa anlakas mo sa 'kin e.” pambobola pa niya, “Update kita.” dagdag pa niya. Habang papunta nang kotse ay biglang nag-vibrate ang phone ko at agad kong tinignan ang cellphone ko. “Ian may kanina pa kumakatok sa pintuan ko natatakot ako.” nagsi tayuan ang balahibo ko nang mabasa ang text ni Aira. Dali-dali kaming sumakay sa sasakyan at pinalipad ito sa condo kailangan kong makuha si Aira alam ko susundan nila kami ng susundan hangga’t hindi napapasakamay nila si Aira dahil maaring si Aira ay si Alice Ferraris pero hindi pa ito malaman-laman dahil napakagulo ng sitwasyon sa ampunan kaya dapat na munang itakas si Aira dahil nasa panganib siya ngayon. Pagbaba namin ay naabutan namin ang mga pulis sa ibaba at nandun din si Mendez kaya mas kinabahan ako baka natuntun nila si Aira. “Mendez andito pala kayo” bungad ko. “Frondoso, may hinahanap lang kami o ikaw ba’t nandito ka?” kunot noo niyang tanong. Kung sasabihin kong dito ang condo ko baka mas halughugim nila sa loob at maari nilang pasukin ang condo ko kaya mas mainam na mag-isip ako ng ibang paraan. “Dito kasi ang condo ni Sarmiento” “Ah Mendez may misyon kayo?” diskarte pa ni Sarmiento. “Gusto sana naming mag-inuman I-celebrate ang pagka suspendi ko.” dagdag kopa. “Kawawa ka naman Frondoso sa susunod kasi ‘wag pakialaman ang trabaho ng iba trabaho mo ang atupagin mo.” pang iinsulto pa niya. “Alis na muna kami Mendez mukhang excited na ’tong kaibigan ko.” hinatak ako ni Lance papasok sa condo. Pagpasok namin ay hindi pa kami makapasok ng mabilis dahil maraming pulis sa loob at karamihan sa kanila ay kilala din kami. Aira’s POV. Hawak-hawak ang flower vase ay nandito lang ako sa gilid ng pintuan dahil pag pumasok siya basag ang ulo niya sakin. Nakakatakot at nanginginig ang buto sa katawan ko dahil kanina pa talaga ‘to at may mganaririnig pa akong tonog ng mga pulis sa labas. Nagulat ako nang may natumbang upuan sa terasa kaya dahan-dahan akong pumonta at hawak-hawak ang flower vase. Nang makarating ako ay natigilan ako nang may biglang humila at tinakpan ang bunganga ko dahilan para hindi ako makasigaw. “Pshhhhhhh, miss kalma!” Hindi ko pa rin magawang kumalma kaya mas gumalaw pa ako pero napakalakas niya kaya walang magawa ang lakas ko sa lakas niya. “Kalma nga!” pigil niyang sigaw at inalis ang bonet sa ulo niya kaya dun na ako kumalma nang makita ko itsura niya. “Sino ka? Anong gagawin mo askin!?” sunod-sunod kong tanong sa kan’ya. “Pwede ba humihanon ka muna?!” inis niyang sagot. “Okay, okay!” sagot ko. Nakakainis siya na nga ang pumasok dito tas siya pa ang galit? Sarap sapakin nito ginigigil ako halos mamatay ako dito kakahawak ng vase muntik kopa siyang mapatay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD