CHAPTER EIGHT √

2012 Words
CHAPTER 8. “Ako si Ken, hinahabol ako ng mga pulis.” nag-aalala niyang pagpapakilala. “I don’t know kung bakit nila ako hinahabol, hindi ako mamatay tao.” paliwanag niya. Naalala kona naman ang mga pulis na hinahabol din ako actually parehong-pareho kami ng kalagayan ni Ken hindi namin alam pareho ang dahilan kung bakit ba kami hinahabol ng mga pulis. Hindi naman kami kriminal o mamatay tao hindi naman kami adik. “Hindi kaba gumagamit ng pinagbabawal na gamot?” tanong kopa. “Hindi e.” mabilis niyang sagot. “Nagsisikap nga ako, nagtatarabaho ng maayos tapos hahabulin pa ako ng mga pulis ng hindi ko alam ang dahilan.” dagdag pa niya. Nalungkot ako sa sitwasyon ni Ken at naawa ako sa kanya pati na rin sa sarili ko dahil nakaka takot ang ganitong pangyayari. “Alam mo pareho din tayo ng sitwasyon.” napatingin siya sakin. “hihinahabol ka din ng mga pulis?” kunot noo niyang tanong. “Oo, mas malala panga nangyari sa’kin kasi pinatay talaga nila ang pamilya ko.” malungkot ko ring sinalaysay ang mga nangyari sa buhay ko. “Inosente sila, inosente ako pero hindi ko alam kung bakit nagkakaganito." Natigilan ako ng biglang may kumatok sa pintuan at dali-daling nataranta si Ken, kaya mabilis ko siyang pinatakbo sa kusina para makapagtago. Nang masigurado ko na nakatago na si Ken ay dahan-dahan akong papalapit sa pinto at dun sabay na nag-vibrate ang cellphone ko. At nakita ko ang text ni Ian ay agad ko siyang binuksan at may kasama niya si Lance. “Anong nangyari?” bungad ko sa kanila. “Suspended si bossing ng tatlong buwan.” sagot ni Lance. “Ha? Bakit…?” kunot kong tanong. “Plano siguro ‘to ni Mendez para hindi sila sumablay sa misyon.” “May papakilala nga pala ako sa inyo.” nakuha ko ang atensyon nila sa sinabi ko. “Sino?” sabay pa silang nagtanong. Agad ko namang tinawag si Ken at lumabas siya sa kusina at nagulat si Ian kung bakit may nakapasok dito at bakit siya nakapasok. Pinaliwanag ko naman ang nangyari kaya hindi na siya nagtaka pa. “Pareho kayong dalawa na hinahabol?” tanong pa ni Lance. “Explain mo nga Ken sa tingin mo bakit ka hinahabol ng mga pulis?” parang ginisa namin si Ken sa tanong namin pero iisa kami ng kaso ni Ken maaring magkatugma ang dahilan o rason kung bakit kami ginaganito.”Kasi si Aira hinahabol ng mga pulis dahil napagkamalan siyang si Alice Ferraris.” dagdag pa ni Ian. Lahat kami ay magkakaharap na nagkakape sa round table at isa-isang inaalam ang mga dapat naming malaman. “Alice Ferraris?” tila may kung anong pumasok sa isip ni Ken at may biglang naalala. “Siya ba ‘yung pina ampon sa bahay ampunan?” Dagdag pa niya na kinagualt ni Ian. “Exactly! Pano mo nalaman?” “Si Lola Terissita kasi ang nagpalaki sa kanila, si Lola ay inampon niya ako at dinala at dun pinalaki sa bahay nila naabutan ko pa sila Alice at ang kambal niya.” Si Ken nanga ata ang kasugutan para mawala at matigil na ang paghahabol ng kapulisan sa’kin. “Alam kona ang rason kong bakit ka hinahabol Ken.” sagot pa ni Ian. “By the way ako nga pala si Ian isang pulis, tsaka ito si Lance kaibigan ko pulis din.” pagpapakilala ni Ian. Mukhang naalarma pa si Ken nang marinig at malaman na pulis pala si ian at Lance. “’wag kang mag-alala hindi ka namin huhulihin dahil alam namin mabait ka at inosente kagaya ni Aira.” Dagdag pa ni Ian at nabawan na ang kaba na naramndaman ni Ken. “The main reason why the police is hunting you kasi adopted ka ni Terissita. At ikaw lang ang nakakaalam kung buhay paba talaga si Lola Terissita o palabas lang na patay na talaga siya, now tatanungin kita buhay paba si Lola mo o patay na?” mukhang alanganin pang makasagot si Ken sa tanong ni Ian dahil nalaman niya na pulis pala itong si Ian. “Huwag kang mag-alala hindi kami masama, ililigtas ka namin.” pagpapakalma ko sa kan’ya “e kasi, matagal na akong hindi nakaka-uwi--” “Ken alam mo nakakatakot itong nangyayari sa inyo, malalagay ka sa panganib pag hindi mo sinabi sa amin. ‘wag kang mag-alala hindi ka namin huhulihin dahil alam namin inosente ka tsaka wala kang kasalanan.” pilit naming kinukuha ang loob niya para magsalita at para matulongan narin namin siya. “Buhay pa si Lola, noong araw na binomba ang bahay namin sinugod ang bahay namin ay maaga kaming nakaalis at ang tanging natira lang dun ay ang katulong at iba pang madre na kaibigan ni Lola, kaya pagkatapos mangyari ‘yun ay inilabas nilang namatay si Lola pero ang totoo buhay kami.” salaysay pa ni Ken. “Maari mo bang samahan kami pumonta dun? Don’t worry tayo lang walang iba.” Si Ian. “Sige po.” “Sa ngayon kailangan muna nating umalis dito dahil may mga pulis at isa-isa nilang papasukin ang bawat kwarto o sulok ng condo.” Dali-dali kaming nagbihis at nagplano kung saan nga ba kami dadaan palabas dahil punong-puno ng pulis sa baba at nakabantay sila dahil alam nila na nandito si Ken. “Lance, mauna ka sa fire exit tapos tawagan mo ako kung clear ba ang daan dun palabas.” Maaring dalawa kaming mahuli dito ni Ken kaya dapat makaalis kami dito Nag-text si Lance na clear daw ang daan papuntang fire exit ay dali-dali kaming lumabas. Tinahak namin ang hallway bago pa man sila makaakyat dito. Mabilis kaming nakababa sa hagdan sa likod mismo ng building. Tumakbo kami ng kay bilis papalayo sa building at kinuha naman ni Lance ang sasakyan nila. Mabuti na lang at ligtas kaming nakababa at hindi kami naabutan ng mga police. "And now, dalawa na kayo ang hinahabol ng mga police at nasa kamay ko kayo. 'wag kang matakot Ken kakampi mo kami." Tumango naman si Ken at bumontong hininga. Nararamdaman ko siya ngayon dahil pareho kaming nasa panganib ang sitwasyon at pareho kaming kinakabahan. Nagtago muna kami sa madilim na parte at para walang may makakita sa amin. Alam kung iche-check nila ang cctv at malalaman nila kung saan kami dumaan pero mas mabuti nang nauna kaming makaligtas. Maya-maya pa ay nakarating na sila room kung saan kami galing. At alam nila kung saan kami dumaan dahil pati hagdan ng fire exit ay pinuntahan na nila. "Ang tagal ni Lance." Bulong pa ni Ian. Sigurado akong kumukuha din ng tyempo si Lance para makaalis dun at dahil nga may mga police din sa baba mahihirapan siya. "Baka hindi rin siya makaalis dun kasi nga may mga police diba?" Sagot ko pa. Ilang oras din ang nakalipas at natigilan kami ng halos paliparin ni Lance ang sasakyan niya patungo sa amin. "Sakay bilis!" Sigaw niya ng biglaan niyang tinigil ang sasakyan. Sa di kalayuan ay kinabahan ako ng maraming patrol police ang humahabol sa kaniya at mabilia kaming sumakay sa kotse niya. "Tol nakita ka?" Pagpasok pa lang ay 'yun na agad ang tanong ni Ian. "Oo kita mo na ngang hinahabol tayo." Halos ito na ang pinakamabilis na takbo ni Lance at hindi pa rin lumalayo ang mga police. Hindi rin nagpaawat si Lance sa pagmaneho at parang alam niya ang daan ng bawat kanto. Kabado akong napahawak kay Ian at naramdaman ko din ang paghawak niya sa akin. Si Ken naman ay patingin-tingin lang sa mga nakasunod na mga police na humahabol sa amin. Nang makarating sa highway ay dun na malayang naka-drive si Lance at mas kinulit pa niya ang mga humahabol sa amin. Parang hindi van ang minamaneho ni Lance at sa tingin niya ay para itong sports car kung pigain niya sa bilis. Dun na bumagal ang takbo ng tuluyan na kaming nakalayo sa mga humahabol sa amin. Hindi ko alam kung saang banda na kami pero maraming matataas na puno ang nadadaanan namin. "Nagugutom ka?" Tumango naman ako ng tanungin ako ni Ian. Huminto muna kami sa gilid nang highway at bumaba si Ken para magtayo ng tent sa ilalim ng puno. "Ako hindi mo ba ako tatanungin tol?" Pagbibiro pa ni Lance. "Naubos ang lakas ko sa pagmaneho no hindi mo man lang ako pinahinto." Reklamo pa niya. "Diba sabi mo gustong-gusto mo magpahabol?" Natatawang sagot ni Ian. Bumaba na kami ni Lance at tinulongan namin si Ken. Si Ian naman ay nagluto sa loob ng van ng mainit at maanghang na noodles. Nagpaapoy naman si Lance para may ilaw kami. Nakaharap kami ngayon sa apoy sa ilalim ng puno at humihigop ng mainit na sabaw. "Hoy, tama na pag-iisip ligtas ka na." Pagtapik pa ni Lance kay Ken. "Ken, masanay ka na at 'wag kang mahihiya sa amin." Singit pa ni Ian. "Ito na lang may joke ako Ken." Nagsimula na naman si Lance sa corny niyang jokes. "Ano?" Excited din si Ken na alamin ang jokes niya. "Alam mo ba na sa Japan ay walang umaga at gabi sa kanila?" Kumunot naman ang noo namin sa sinabi niya. "Ha? Paanong wala?" Tanong ko pa. "Eh syempre mga Hapon sila! HAHAHAHHA!" Sinabayan pa niya ng malakas na tawa. Napatingin ako sa kanya at parang naguguluhan sa mga sinabi niya. "Corny naman nito." Dagdag ko pa. "HA HA HA HA HA!" Napalingon kaming lahat ng huli na ng tumawa si Ken at may pa ubo-ubo effect pa. Nagtinginan lang kaming tatlo at na gets agad namin ang sinasabi ng isa't-isa. "HAHAHAHAHHA!" Sabay-sabay naming tawa. Pagkatapos naming bumyahe ay bumalik na kami sa van at nagpahinga saglit. Natulog muna kami ng ilang oras pagkatapos ay balik na naman kami sa byahe. "San na nga ba tayo?" Pagtatanong pa ni Lance. "Bandang norte na." Naantok na sagot ni Ian. Nakatulog na rin siya sa haba ng byahe at ako naman ay kakagising lang. Medyo maginaw mabuti na lang at kumpleto dito sa van. May mini bed na may kumot pa at may ref ha. May mini-gastove din sila kung saan makapagluto. Parang bahay na nga rin eh at parang hindi kana lalabas pa at dito sa loob solve ka na. THIRD PERSON'S POV. "Mga inutil! Simpleng bagay lang ang pinapagawa ko!" Galit na galit na sermon ni Mendez sa mga kasamahan niya. "Eh Ma'am talagang matatakasan kami kasi kasama nila si Frondoso at Sarmiento." Sagot pa ng isa. "Sa sinabi mo parang pinatunayan mo niyo na sa akin na mga inutil kayo! Labas!" Sigaw niya ulit. "Halughugin ang bayan ng Del Carmen at hanapin si Terissita!" Utos pa niya. Kailangang makuha nila si Terissita sa lalong madaling panahon bago pa man sila maunahan ni Ian. Si Terissita lang ang nakakaalam kung sino nga ba si Alice at si Aira. Halos wala pang naresolba na kaso si Mendez at naiipit siya ngayon sa isa pang kasong kinasasangkutan ni Mr. Wong. Kailangan niyang puntahan at kausapin si Mr. Wong para ito ay magawan ng plano kung ano ang magandang gagawin. Lalo na't DIAP Head iya ngayon ay mas mahihirapan siya neto. Hindi madaling makipag-usap sa mga drug lord para pumayag lang sila na hulihin ang mga galamay nila. Pero ang iba ay no choice na din dahil ayaw nilang madungisan ang pangalan nila. Kilala ng buong DIAP ang mga drug lord na at iba pang sangkop sa illegal na droga kaya mabilis nila matugis ang mga ito. "Mr. Wong, hindi ako magtatagal." Napaupo si Mendez ay parang hindi siya police sa suot niya. "Beautiful Mendez, hindi ko alam na ginigisa na pala ang pangalan ko." "Mr. Wong kalma lang sibuyas pa lang ang naigisa. Muntikan ka na ngang maisama, mabuti na lang talaga at matinik ka." Natawa pang sagot ni Camila. "Mendez just tell me, don't hesitate. Magkano ba? O gusto mo magbibigay ng pain." Tumaas pa ang kilay ni Mr. Wong ng sabihin magbibigay siya ng pain at sabay na tumawa. "Magbigay ka na lang ng pain, sayang ang pagkakaibigan natin Mr. Wong." Hindi nagdalawang isip si Mendez. "Sure! I'll be off now. Salamat sa oras mo." At lumayo na si Mr. Wong kasama ang mga bodyguards niya at naiwan si Mendez na nakaupo. Halos parang magkakilala talaga sila at parang may pinagsamahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD