CHAPTER SIX √

2084 Words
CHAPTER 6 Camila's POV. Nakaupo sa sariling swivel chair at nag-iisip ng matinding plano para mahuli na yang Alice na yan hindi pwedeng maipit ako sa kagagahan ng babaeng yan. Kailangan kung malutas ang problema ng hindi ako maiipit. Delikado pag nadamay ako mapapahiya ako at mas lalo nang magagalit si Ian pagnaipit ako napaka delikado. Its time to say goodbye toAlice Ferraris A.K.A Aira Filoteo ang babaeng sinungaling at ang babaeng magla laglag sakin. Ayoko na siya pa mismo ang makakapag lagay ng dumi sa pangalan ko and i swear pag nalagyan niya ng dumi ang pangalan ko hinding-hindi ako magdadalawang isip na patayin siya. "Kriiinggg" (phone ringing) Agad ko namang sinagot at alam ko si Maggie to my second hand at partner in crime. Siya ngayon nagpapatakbo ng business ko kasi busy ako now as police kaya siya ngayun umaasikaso. "Camss, ngayon kami makikipag kita ni Alfredo." Masayang bungad niya sa kabilang linya. "Okay mag ingat kayo at walang tawaran na magaganap." Strikto kung sagot. "Kailangan ang usapan 1.2M kaya walang labis walang kulang natatandaan mo?" Dagdag kopa. "Noted Camss." Sagot niya naman. Lingid sa kaalaman nilang lahat dito na may sideline ako kaya kumikita ako ng malaki. Pamana pa sakin ni Papa bago siya namaalam kaya ako na nagpatuloy ng business nila. Aira's POV. Nasa loob kami ng van kung saan malapit ang WWW Resorts at kinukumbinsi nila ako na maging asset nila just to catch Mr.Wong kailangan ko raw mag act like customer nila at papasok dun sa backstage kung san may kakaibang nangyayari. "Ano kaya moba?" Lance keep on asking me kung kakayanin koba to. Actually diko pa nasubukan to first time kumbaga kaya syempre kinakabahan ako pero para makatulong ako kay Ian at makabawi man lang sa mga kabaitan niya ay gagawin koto. Para kay Ian at para matapos nato ng maaga at para hindi na sila mahirapan. "Sabihan mo lang ako kung nag-aalala ka pwede namang kami nalang ni Lance." Dagdag pa ni Ian. Tinignan ko si Ian at parang nag-aalala siya sakin kaya nag smile ako. "Yes, kaya ko." Sagot kopa. Andito parin kami sa loob ng van at nakabantay sa monitor kung saan nakikita namin ang nangyayari sa loob may nilagay si Ian na camera sa loob ng bar kaya nakikita namin ang mga kaganapan sa loob. Concentrate kaming tatlo sa monitor at tanging ingay lang nang chicherya na kinakain ni Lance ang naririnig namin. Maya-maya pa ay may mga suv at van na itim mga tatlo siguro ang dumaan sa harap namin kitang-kita dito sa loob ng van at papasok sila sa resort at ito na siguro ang ka transaction nila ngayon. Huminga ako ng malalim ng makaramdam ako ng pagtayo ng balahibo at nakaramdam ng kaba. "Air, tandaan mo mga sinabi ko ha." Pagpapa-aalala pa ni Lance. Sa ngayon naka maxi dress parin ako kung saan simple lang at para hindi mahalatang asset ako. Sa gilid ng sapatos ko ay may maliit ako na kutsilyo pang emergency kasi hindi pa ako marunong humawak ng baril at hindi ako marunong lumaban. Naka ponytail ako,maxi dress na parang turtle neck at nakasapatos na parang boots narin sa haba at may dala akong sling bag na maliit kung saan may lamang smoke bomb na gawa sa lalagyan ng coke para di malaman na smoke bomb. "Okay." Nag smile ako sa kanilang dalawa bago bumaba sa van at nagpa inosenteng naglalakad papasok. Actually yung plano ay papasok ako dun sa likod ng stage at aalamin ang loob dun at pag nakita ako o nahuli mag a act ako na naliligaw at hinahanap ang cr pero may air buds ako para makapag usap kami ni Ian at para malaman nila kung may sumusunod sakin. At pinag aralan na namin kung saang lugar may cctv kaya mas madaling makatago at maka iwas sa mga cctv. Hindi naman ako magpapakita sasabihin kulang ang pinag uusapan at sasabihin kung papalabas na sila at dun sila maghaharap-harap sa labas. At kapag nahuli ako just incase eto yung gagamitin ko ang smoke bomb at kutsilyo. Bumuntong hininga ako bago pumasok sa resort actually maganda ang resort napaka maraming niyog at puno. Nasa gate palang ako ay buhangin na agad ang naaapakan ko ang ganda ng lugar napakasarap ng hangin. Pang summer talaga tong lugar nato at maganda din mag overnight dito. Dumiretso ako sa bar at may daan talaga papunta malapit lang naman sa gate nasa right side nasa left side naman ang mga function hall at mga cottage. Wala nang entrance ang bar nila at open eto sa ganitong oras may mga umiinom na at mga sumasayaw siguro mga loyal customer nato dito. Dumiretso ako sa kahera at nag order sa bartender ng ladys drink at umupo ako malapit sa gilid ng stage. At maraming labas pasok dun kaya nakakapagtaka talaga kasi yung cr ay malayo dito kaya ano ang ginagawa nila dyan? "Aira, tingin-tingin lang muna." Pagsalita ni Lance sa airbuds na nakakabit sa tenga ko. Bago ako pumasok dito ay agad kung tinanggal ang ponytail ko at hinayaan ko itong matabunan ang airbuds ko para di halata na may nakakabit sa tenga ko. "Hintayin mo nalang ang signal ko." Dagdag pa ni Ian at rinig kopa ang pagbuntong hininga niya. "Okay, noted." Sagot ko naman na pabulong at nanatiling naka smile. Maraming sumasayaw sa music, naghahalikan naglalandian. Hanggang sa diko namalayan na nakakadalawang baso na ako ng ladys drink. "Aira tama na muna pag order lakas mo uminom baka mamaya malasing kapa." Pagbibiro pa ni Lance. Di ako nagsalita at maya-maya pa ay may babaeng dumaan sa harap ko at may dala-dala siyang brief case at nagtataka ako kung ano ang laman nun. Marami pa siyang bodyguards siguro siya ang laman ng suv kanina. "Air, magsimula kana. " Pagsalita ni Ian mula sa kabilang linya. "Ingat." Dagdag pa niya "Dahan-dahan lang." Sabat pa ni Lance. "Okay." Pabulong kung sagot. Tumayo ako at naglakad na parang tipsy tinahak ko ang daan papuntang backstage at madilim dito. Dahan-dahan lang ako hindi naman masyadong madilim makikita rin naman ang daan dahil sa maliit na ilaw. "May tao-" rinig kopang sabi ni Lance. "Magtago ka muna--" Dagdag pa ni Ian. Diko alam kung saan ako tatago mabuti nalang at may basurahan kaya dun ako dumikit at medyo madilim naman kaya di nila ako mahahalata. Mas nataranta ako nang tumigil ang isang tao sa tapat ko at dun sila nag-usap.Nangingini ang tuhod ko sa takot baka makita ako. Habang abala sila sa pag-uusap ay nagaalala narin si Ian baka mahuli ako kaya habang nakatalikod sila ay gumapang ako papuntang corner hanggang sa hindi nila ako nakita na nakatayo na ako at patuloy sa paglalakad. Marami akong rooms na nadadaanan yung iba may ilaw at iba naman ay sarado at ang dilim. Sinilip ko ang isang kwarto ay parang may mga tao sa loob at guess what? Mga doctor?? Mas tinignan kopa abg mga ginagawa nila abalang-abala sila sa mga-- teka? Dali-dali kung pinicturan ang mga nakita ko kitang-kita dito sa labas habang nakasilip ako sa pintuan na nagre-repack sila ng shabo inside at dahil walang cctv dito ay hindi nila alam ni Ian ang nangyayari sakin. "Ian, Lance." Pagbubulong kopa sa airbuds. "Nasan kana?" Halos sabay nilang tanong. "Nahanap kona ang factory nila at nakuhaan ng ebidensya." Sabi kopa. Hanggang sa may narinig akong papapuntang mga tao at parang seryoso sila sa pinag-uusapan. Nataranta naman ako at wala akong mapagtaguan. Tumakbo ako sa mga hindi nakasinding ilaw na kwarto at dun nagbabakasakali na may bukas na kwarto. Unang pinto ay naka locked. Mas natataranta ako habang papalapit na at mas nakaklaro kona ang boses nila kaya mas dinalian kopa. Pangalawa locked. "s**t!" Nasabi kopa habang nagbubukas. "Ang usapan ay usapan ayaw ni boss na mag traydor ka." Naririnig kona sila at ilang milya nalang makakaliko na sila sa hallway kung nasan ako. Mas natatakot na ako dahil baka mahuli ako. Pangatlong pinto ay--- Hiningal ako at saktong-sakto ang pagpasok ko nang lumiko sila sa deriksyon kung nasan ako mabuti nalang at hindi nila ako naabutan. "Muntik nako." Hinihingal kopang bulong sa airbuds. Pawis na pawis ako sa nerbyos siguro kung sarado lahat ng pinto nahuli na ako. "Mag ingat ka." Si Lance. Saktong-sakto at kaharap ng kwartong napasukan ko ang kwarto kung saan nire-repack ang drugs at sakto nasa harap ko sila ngayon at dahil patay ang ilaw hindi nila ako nakikita. Kinuha ko ang airbuds at tinapat sa screen ng pintuan kung saan rinig na rinig ko ang usapan nila. "Irecord niyo jan." Bulong kopa sa kanila. "Okay, ibigay sa kanya." Ito ata ang sinasabi nilang si Mr.Wong. Habang bini-video ay nirerecord rin nila Ian at Lance ang usapan nila para pangdagdag sa ebidensya. Tinignan ko sila at hindi nga ako nagkakamali siya yung babae kanina na nakita ko sa bar siya ang ka transaction ngayon ni Wong. Pero maganda tong babae nato maganda ang katawan mahaba ang buhok. "1.2 Million walang labis walang kulang." Sabay binigay ni Wong ang pera sa babae at dun binigay narin ng babae ang mga imported na shabu. "Thank you Mr. Wong." Nakipagkamayan silang dalawa may mga bodyguards din si Wong kagaya ng babae na kausap niya. "Hinding-hindi na kayo malulugi lalo na pag nilagyan niyo ng tawas." Dagdag pa ng babae. So yung imported na shabu ay mini-mix sa tawas? Siguro yun ang mga paraan nila para mas lumaki ang babalik na pera sa kanila yung 1.2M nayun siguro 3x ang katumbas na babalik sa kanila. Pero ang lalaki ng pera na binabayad nila ha sana mahuli na talaga tong mga hayop nato. Umalis na sila nauna ang babae at sumusunod naman yung lalake pero yung shabu na imported iniwan nila sa room kung saan may mga naka uniform na parang doctor at dun ire-repack ang shabu para dumami. Sumunod naman ako sa kanila dahan-dahan "Mag abang na kayo sa labas." Bulong kopa. Actually kanina pa daw sila nakahanda at may mga police na silang kasamahan pero hindi nila ginamit ang patrol car para hindk sila mahalata. Habang papalapit na ako sa bar ay nauna na silang lumabas at ako pasimpleng naglalakad na parang umihi lang. Andami kasi nang tao baka may makahalata na dun ako galing. Nang makalabas na sila ay sumunod ako sa labas at kita ko parin silang naglalakad pasakay hanggang sa. "Sino ka?" Isang baril ang nakatutok sa ulo ko at boses lalaki ang nasalikod ko. Saktong paalis na ang kotse ay dun nako bumulong sa airbuds. "Ian--" Dali-dali akong lumingon at dun hinawakan ang baril at sinipa siya sa pagkatao niya na kinatumba niya. Sinapak ko siya at sinipa at dun tumba hanggang sa nagkaputukan na sa labas at nagtago ako sa puno. Tanaw ko ang kotse nang babae at ang mga bodyguards niya ay nakikipag barilan din at siya naiwan sa loob. "Aira magtago ka." Sigaw pa ni Ian sa airbuds habang rinig kopang nakikipag palitan siya ng putok. *Bratatattatat!* *Bhogshhh Bogshhhh* *Tsubb! Tsubbb tsubb* Pumunta ako sa babae at saktong lumabas siya sa kotse hawak-hawak ang briefcase na pera ang laman at dun dali-daling tumakbo sa likod niya. At kinuha ang matigas na kahoy at ipinokpok sa ulo niya hanggang sa nabawi ko ang pera at nagtago. "Sa tingin mo makakaalis ka dito?" Isang lalaki ang sumakal sakin at tinutukan ng baril ang ulo ko. "Akin na ang pera." Dagdag pa niya. "A-arayy! Tulongg!!" Nasasakal kung sigaw. "Ang peraa sabi!!" *Boooom!* Nagulat nalang ako ng biglang natumba ang lalaki na tumutok sakin ng baril at paglingon kung saktong nakaluhod pa si Ian habang nakatutok parin ang baril niya sa lalaki. Third Person's POV. Nagising ang babae nang maramdaman niyang napakasakit ng ulo niya at pagdilat niya ay napakaraming pulis at malamang dipa siya napupuntahan dahil wala pa siyang posas sa kamay at hindi pa siya nahuhuli. Dali-dali siyang tumayo at naghanap ng mapagtataguan para makatakas. "Boss napasukan kami ng police." Pagsalita niya sa kabilang linya. Tinawagan niya ang boss niya at pinaalam ang mga nangyari at lahat nang narinig niya ay puro sigaw at galit ng boss niya sa kanya. "Stupid girl!" Huling sigaw sa kanya ng boss niya. "Stupid Girl!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD