23. WALANG KALIMUTAN. TUMUNOG ang cellphone ni Yanna at agad-agad niyang sinagot ang tawag. Kanina niya pa hinihintay ang tawag ni Kristoffer. Linggo kasi, nagkayayaan silang magsimba. “Hello, Tin? Sa’n ka na?” excited na bungad niya rito. “Tss...” ang tanging sagot ng nasa kabilang linya. Wait, hindi si Tin ‘to, agad na pumasok sa isip niya. Tinignan niya ang screen ng cellphone niya at si TJ pala. “O, TJ... I-ikaw pala,” medyo bumaba na ang boses niya. Nawala ang excitement dahil akala niya naman kasi kanina, si Kristoffer ‘yon. “Tss... Disappointed?” Nahimigan niya na naman ang irita sa boses ni TJ. Hindi niya talaga maintindihan kung ano’ng meron sa kanilang dalawa. Madalas silang magkabangayan pero madalas din namang nagkakatuwaan. “Hindi, ‘no. Ba’t ka napatawag?” “Miss m