24. PUSONG LITO. “YAN, cleaners kayo, ‘di ba? Hintayin ka na lang namin sa labas, ha?” sabi ni Julia kay Yanna. “Hurry up, giddy up, girl,” pahabol ni Bea. Tinanguan niya na lang ang dalawa at nagsimula nang mag-ayos ng mga armchairs. Hindi naman kasi talaga siya naglilinis, kunwari lang na tumutulong. Wala, ginagalaw-galaw niya lang ang mga silya para kunwari inaayos niya. E, minsan, sinasaliwa niya pa ‘pag natripan niya. Naramdaman niyang nagba-vibrate ang cellphone niya. Matagal, kaya alam niyang tawag ‘yon. Kapag kasi nasa school, sine-set niya lang sa vibrate ang settings ng phone niya. Nang tignan niya kung sino ang tumatawag, unregistered number ang bumungad sa kanya. “Hello?” alanganing sinagot niya ang tawag. “Uhm... Yanna?” said a girl’s voice. “Sino ‘to?” “This is Trish