21. WEIRDO. “YANNA!” tawag kay Yanna ni TJ pagkalabas niya sa gate ng bahay nila. Kasama nito si Joice at pasakay na ang mga ‘to sa kotse. “Sabay ka na sa’min,” aya pa ni TJ sa kanya. Siya, sasabay? Seryoso? E, kung nakakamatay nga ang tingin ni Joice, malamang pinaglalamayan na siya ngayon, e. She gave him an awkward smile. “Thank you na lang.” Pagkasabi no’n, tinalikuran niya na ang mga ‘to at naglakad na paalis. Ang kotse kasi nila, mommy niya ang gumagamit. Mas maaga ang pasok niya kumpara sa mommy niya, kaya lang ayaw niya nang magpahatid sa mommy niya. Pwede naman kasi siyang mamasahe na lang. “Sige, Ching, una ka na,” narinig niyang sabi ni TJ kay Joice. Tumulin tuloy bigla ang paglalakad niya. “Fine!” halatang may inis sa pagpayag ni Joice. Talagang sasabayan siya ni