20. SOMETHING WEIRD. PUMUNTA si Jake sa Miba—isang maliit at sikretong bar kung saan nakakalusot ang mga underage. Nababatdrip siya. Gusto niya ng alak. Hindi niya kasi maintindihan kung ano ang nangyayari sa kanya. Kapag nandyan si Bea, naiirita siya. Pero kapag wala naman, hinahanap niya. Ang g**o niya. Siguro nga... Siguro nga gusto niya na talaga si Bea. Bumuntong-hiningang pumasok siya sa bar. Pero pagpasok na pagpasok niya, isang babae agad ang nakaagaw ng pansin niya. Isang babae na nakikipagsayaw sa mga kalalakihan at tila lasing na lasing na. At pagharap nito, agad ang pagtagis ng mga bagang niya. Si Bea. Puta, ang gaslaw ng galaw! He immediately stormed where Bea was and pulled her away from the fuckers that were having fun. “Ano ba sa tingin mo’ng ginagawa mo,