28. HELEN OF TROY. “YOU’RE so bad, beh!” sabi ni Kiray kay Yanna. Nasa tambayan sila ngayon, pumasok na silang lahat kinatanghalian. “Kung ako man si TJ, masasaktan din ako, ‘no,” nanghihinayang na nagbuntong-hininga pa si Lexi. “Ano ba kasi ‘yun, beh? Bakit uma-I love you ka, e, si Kris ang pinili mo? ‘Yan tuloy, nagalit si Puppy Tee. Bakit kasi?” tanong ni Julia sa kanya. “Hoy, bading, nakiki-Puppy Tee ka, ha,” sita naman ni EJ kay Julia. “Sorry naman dyan, baks,” natatawang sabi na lang ni Julia. Napailing na lang siya. Talagang nakuha pang magbiruan sa harap niya, e. Itong mga kaibigan niyang ‘to, nako... Kanina, natandaan niyang kinilig ang mga ‘to sa sinabi niya, e. Ngayon naman, heto’t ginigisa siya. “Bakit nga kasi, beh?” ulit ni Kiray. “Kasi mahal ko?” ‘yun lang ang nais
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books