KABANATA 16: NAKALIMANG bote na ng alak si Lash pero hindi iyon alintana sa kaniya para tumigil. Gusto niyang magpakalasing dahil sa ginawa sa kaniya ni Tamina. Alam niyang mahal siya ni Tamina pero tinatago lang talaga nito iyon. "Dude, nakakailang bote ka ng alak, baka mamaya niyan ay matumba ka na lang ng kusa!" Tiningnan niya ng matiim si Cylus. Nga pala, nasa bar sila at niyaya niya ang kaibigan niya para naman may makasama siya. "Hindi mo alam kung ano ang ginawa sa akin ni Tamina, dude! I already told her na mahal ko siya. She didn't respond me. Tinatago niya lang na mahal niya ako. I saw her eyes, I saw that she's in love with me," he said. Muli na naman siyang uminom ng alak. "You now, Lash, si Tamina iyong tipong babaeng hindi ka agad-agad mamahalin. Malay mo may iba siyang