Her Cruel Fate-Kasandra-16 Sa bawat pag hakbang ni Kasandra ay panay rin ang pag agos ng kanyang mga luha bit-bit ang kanyang maleta. Sobrang bigat ng kanyang dibdib at pakiramdam n'ya ay sasabog na ang kanyang puso sa sobrang sakit at bigat ng kanyang kalooban. Pakiramdam n'ya ay sobrang bigat ng kanyang mga paa na tila ay may nakapulupot na kadena sa kanyang mga binti at paa dahil sa bawat pag hakbang n'ya ay pakiwari n'ya ay kahit anumang oras ngayon ay bibigay na ang kanyang katawan. Pinili ni Kasandra na ma-upo sa gilid ng naturang hotel at doon humagulgol ng humagulgol at nagpakawala ng kanyang mga luha na tila para s'yang isang nakaka-awang nilalang at lahat ng taong napapadaan ay napapatingin sa kanya. Ang iba ay pinagtatawanan s'ya at ang iba naman ay naaawa sa kanya.