Her Cruel Fate Kasandra-12 "Kasandra! Kasandra!" nagaalalang sambit ni Edward ng makitang nanginginig ang dalaga, inilapat n'ya ang kanyang palad sa ulo ng dalaga at halos mapaso s'ya sa taas ng lagnat nito. Walang patumpik-tumpik na kinalkal at ginalugad ni Edward ang kanyang kabinet kung saan nakatago ang kanyang mga gamot for emergency. "Nasaan na? Nasaan na? Nasaan na?!" ulit-ulit n'yang sabi sa kanyang sarili at tila binagyo na ang loob ng kanilang kwarto dahil sa nag liliparang mga damit pati br*ef p*nty at b*a. Halos baliktarin na n'ya ang kabenit dahil kung kailan pa n'ya ito kina-kailangan ay doon pa ito mahirap hanapin. Sa gitna ng pag-aalala ay wala ng ibang pumasok sa utak ni Edward kundi ang humingi na ng tulong sa isang tao. Mabilis n'yang idenail ang kanyang pho