Her Cruel Fate-Kasandra 14 "Hoi, Kasandra! Ano na? Bakit hindi mo alam kung saan sa Cebu ang bahay ng asawa mo?" ani ni Ivy na pilit ginigising si Kasandra na may kahinahinala sa asawa nitong si Edward. "Ay d'yos ko naman, Kasandra! Anong klaseng asawa ka kung ganon?" dugtong pa nito. "Hindi ko alam kasi hindi naman ako nagtatanong sa kanya eh, wala rin naman s'yang binabangit na kahit ano," simpleng sagot niya kay Ivy. "Ay kaloka ka Kasandra. Eh ano? Na kuntento ka na lang ga ganoong set up? Na wala kang alam sa Cebu life n'ya? May mga properties din s'ya sa Cebu, Kasandra. Dapat nga isinasama ka n'ya doon may meeting man o wala, asawa mo s'ya, dapat alam mo pati likaw ng bituka n'ya, hindi ka dapat maging ganyan na parang hindi mo pa lubusang nakikilala ang asawa mo. Huwag ganon g