Chapter 17

1685 Words
ALLISON'S POV Kinabukasan ay nakipagkita ako kay Kenneth sa field ng school pagkatapos ng klase namin. Sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon and at the same time ay nalulungkot rin dahil sa magiging desisyon ko. Ayoko nang dahil sa akin ay may buhay pang mawala kaya kahit labag sa kalooban ko ang gagawin kong ito ay wala akong ibang choice kundi tanggapin nalang ang kapalaran ko. Sana sa gagawin kong ito ay mapatawad pa rin ako ni Kenneth sa huli. "Bakit bigla ka na lang nawala nung isang araw? At hindi ka pa pumasok kahapon? Ano na ba talagang nangyayari, Allison? May problema ka ba?" Nag-aalalang tanong ni Kenneth at hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at iniharap niya ako sa kanya. Yumuko naman ako at umiling. "Wala akong problema, Kenneth." Mahina kong sagot. "Kung ganon, bakit gusto mo akong makausap ngayon? Ano bang importante mong sasabihin sa akin? Hindi mo ba alam na sa ikinikilos mo ngayon ay sobra na akong nag-aalala para sa'yo?" Nag-aalala niyang sabi. Pati sa paghinga ay tila nahihirapan na ako. Hindi ko maaatim na sa sasabihin ko ngayon ay paniguradong masasaktan siya ng tuluyan. Mahal na mahal ko si Kenneth simula palang noong una ko siyang nakilala at hanggang ngayon ay minamahal ko pa rin siya pero siguro nga ay hindi mapagbigyan ng itaas ang gusto ko at kapalaran ko na ngang sa ibang lalake lang ako pwedeng mapunta. Huminga muna ako ng malalim bago sabihin ang mga salitang tatapos sa maikling panahon na naging kami at sa mga oras na iyon ay naramdaman ko ang salitang pagmamahal at kalayaang sundin ang gusto ng puso't-isip ko. "Kenneth, let's break up." Sa sinabi ko ay tila natigilan si Kenneth at umiling ito na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "You're kidding right? Kung joke lang 'to, Allison hindi 'to magandang biro!" Nakangiti niyang sabi pero sa tono ng boses niya ay parang halos mababasag na ito. Parang pinipiga ang puso ko. Hindi ko gusto itong ginagawa ko pero para sa kapakanan ng ibang tao ay nagsasakripisyo na ako. Napakadumi ko na rin'g babae dahil ang apat ko pang itinuring na totoong kaibigan ang bumaboy sa pagkatao ko kaya mas lalo ko lang napagtanto na hindi na deserve pa ni Kenneth ang isang babaeng katulad ko na hindi na malinis. "Hindi ako nagbibiro, Kenneth. Maghiwalay na tayo." Pilit kong pinatapang ang boses ko at humarap sa kanya. Nakita ko naman sa mga mata niya na unti-unti na siyang napapaluha ngunit pinipigilan lang niya iyon. "Bakit? Ano bang nagawa ko sa'yong mali, Allison? Masyado ka na bang nasasakal sa pagiging seloso at possessive ko pagdating sa'yo? Ipinapangako ko, lilimitahan ko na 'yon basta 'wag mo lang akong iwan kasi hindi ko kaya. Ikaw nalang ang meron sa buhay ko kaya sobra akong masasaktan kapag nawala ka pa..." Tuluyan na siyang umiyak at napaluhod na ito sa harapan ko habang nakahawak pa rin ang mga kamay niya sa kamay ko. Seeing Kenneth like this makes me want to hug him. Gusto kong bawiin ang mga sinabi ko sa kanya pero alam kong hindi ko na iyon magagawa pa dahil buo na ang desisyon ko. Kumakalas naman ako mula sa pagkakahawak niya sa akin pero hindi niya pa rin ako binibitawan. "Narealize ko lang na hindi pala tayo bagay, Kenneth. Si CJ, siya talaga ang nababagay para sa akin at siya lang rin ang mamahalin ko." Sabi ko dahilan para matigilan siya at tumingala sa akin. Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Kenneth at naging madilim ito. Kaagad siyang tumayo mula sa pagkakaluhod niya at sinamaan ako ng tingin. "Anong ibig mong sabihin? Na ginamit mo lang ako?" Sigaw niya na ikinagulat ko. Tumango naman ako at pilit nilalabanan ang emosyon ko. "Oo, ginamit lang kita para pagselosin si CJ dahil alam kong malaki ang galit niya sa'yo sa tuwing nilalapitan at kinakausap kita. Kami na ni CJ kaya wala na tayo dahil tapos na kitang gamitin." Hindi ko gustong sabihin ang mga kasinungalingang ito kay Kenneth pero wala akong magawa. Gusto kong layuan na niya ako at sana ay mahanap niya ang babaeng para talaga sa kanya. Iyong malinis pa hindi katulad ko na binaboy na. Kahit masakit para sa akin dahil mahal ko siya ay wala akong magawa. Nakikita ko sa mga mata ni Kenneth ang sakit at lungkot dahil sa mga sinabi ko. Tumawa siya ng mahina pagkatapos ay pinunasan niya ang mga luhang lumandas mula sa pisngi niya. "All this time, peke lang pala 'yung ipinakita mo sa aking kabutihan dahil si CJ talaga ang mahal mo? Pati 'yung paghalik mo sa akin, paglapit-lapit at pagkausap sa akin ay peke lang rin? Ang tanga ko nga naman para isipin na ang isang katulad mong maganda, sexy at pinagpapantasyahan ng mga lalake dito sa St. Claire ay magkakagusto sa akin na isang baduy at nerdy na lalake? Ang tanga ko nga!" He faked his laugh pagkatapos ay napahawi siya sa kanyang buhok. Hindi na ako makapagsalita dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman ko. Parang pinupunit ang puso ko dahil nakikita kong nagkakaganito si Kenneth ngayon. Bakit ganito ang kapalaran natin, Kenneth? Hindi ba pwedeng maging masaya nalang tayong dalawa? Napaiyak na ako nang bigla nalang sumigaw si Kenneth at pinagsusuntok ang puno na nasa tabi niya lang. "Arghhh! f**k!" Sigaw niya habang patuloy pa rin sa pagsuntok sa puno. Nagdudugo na rin ang mga kamao niya dahil sa ginagawa niya pero parang wala lang sa kanya iyon at doon nalang niya ibinuhos ang galit at frustrations niya sa puno. "Kenneth..." Naiiyak kong sambit dahilan para mapahinto siya sa ginagawa niya at mapatingin sa akin na may madilim na mukha. "Ano, Allison? Masaya ka na ba sa ginawa mo? You broke my heart into pieces. Sinaktan mo ako ng sobra. Ang akala ko ay tunay ang mga ipinakita mo sa akin pero nagkakamali pala ako. Ang akala ko ay tanggap mo ako sa kung sino at ano ako pero hindi pala. Ako na siguro ang pinakatangang lalake para mahalin ang isang katulad mong manggagamit." Puno ng hinanakit niyang sabi. Hindi naman ako makapagsalita at puro iyak nalang ang ginawa ko. Ang sakit-sakit. Katahimikan na ang bumalot sa amin pagkatapos ay tuluyan nang kumalma si Kenneth at tumango pagkatapos. Humarap ulit siya sa akin habang nakangisi. "Ito ba ang gusto mo, Allison? Sige, pagbibigyan kita pero ito lang ang tatandaan mo, kahit kailan ay hinding-hindi ko hahayaan na maging masaya kayo ni CJ hangga't nabubuhay pa ako. Lintik lang ang walang ganti." Nakangisi niyang sabi pagkatapos ay umalis na siya ng tuluyan. Tuluyan nang nanlambot ang mga tuhod ko at napaluhod nalang sa damuhan ng field at humagulgol na ako ng tuluyan. Napakasakit ng nagawa ko para kay Kenneth at alam ko na habangbuhay kong dadalhin ang sakit na ito. "Allison, don't worry, I'm here. Hinding-hindi kita iiwan." Napalingon naman ako sa nagsalita at ito ay si CJ na lumuhod rin sa harapan ko at niyakap ako. Hindi ko siya magawang yakapin pabalik at umiyak nalang ng umiyak. Pagkatapos kong maibuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ay kaagad akong inabutan ni CJ ng panyo at ngumiti siya sa akin. "Gusto mo bang mamasyal tayo sa amusement park? Noong mga bata palang tayo ay mahilig na talaga tayong pumunta do'n kasama ang kuya mo. Naalala mo pa ba 'yon?" Nakangiting tanong ni CJ habang nakasandal kaming dalawa sa isang puno at hawak-hawak niya ang isang kamay ko. Tumango naman ako. Naalala ko pa iyon. Noong hindi pa namamatay ang lola ni CJ ay madalas kaming magpunta sa amusement park kasama si Kuya Robin at halos lahat ng ng rides doon ay paborito rin naming sakyan. "You know what, Allison? That was the greatest memory that I've ever got from you. Sayang nga lang dahil tuluyan na akong nalamon ng kalungkutan at galit simula nung namatay si lola kaya nagrebelde na ako at hindi na kita halos napagtuunan ng pansin noon." Lumungkot naman bigla ang mukha ni CJ at tumingin nalang siya mula sa malayo. Habang nakatingin ako sa kanya ay nalungkot rin ako. Mabait at masayahin naman talaga si CJ noon pa. Nag-iba lang talaga siya simula nung mamatay ang lola niya kaya sobra rin akong nalungkot noon para sa kanya. Humarap naman siya sa akin at ngumiti. Ang ganitong klaseng mga ngiti niya ang namiss ko dahil sa loob ng ilang taon naming pagsasama ay ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng totoo hindi katulad dati na puro ngisi at pang-iinis lang ang ipinapakita niya sa akin. "Ngayong boyfriend mo na ako ay inisip kong kailangan ko nang tuluyang magbago para sa'yo, Allison. Gagawin ko ang lahat para mahalin mo lang ako at maging isang deserving boyfriend ako sa paningin mo. Ibabalik ko ang dating CJ na una mong nakilala noong mga bata palang tayo." Hinawakan naman niya ang pisngi ko gamit ang isang palad niya. Ngumiti naman ako ng malungkot at tumango nalang. Siguro naman ay pwede ko nang mapagbigyan si CJ dahil sa nakikita ko ay totoo naman ang lahat ng mga sinasabi niya sa akin at baka sakaling makalimutan ko na ng tuluyan si Kenneth maging pati na rin ang nararamdaman kong pagmamahal para sa kanya. "May isang pakiusap lang sana ako sa'yo, Allison." CJ suddenly asked. "Ano 'yon, CJ?" Tanong ko. He held both my hands at hinalikan ito. "Don't you ever leave me. Kung sakaling iwanan mo ulit ako ay hindi ko na alam pa ang magagawa ko sa sarili ko. Magpapakamatay ulit ako kung gagawin mo 'yon. I trust you, Allison so don't you ever break my heart again." He said while looking at me with the sadness on his eyes. Napahinto naman ako sa sinabi niya. I don't want to dissappoint him at ayokong gawin niya ulit ang bagay na iyon kaya labag sa loob na tumango ako dahilan para mapangiti siya ulit at niyakap ako. "Thank you, Allison. I love you so much..." He said. Hindi nalang ako umimik at niyakap siya pabalik. I'm really sorry, Kenneth but I think we're not really meant to be even if I only loved you.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD