Chapter 16

1957 Words
ALLISON'S POV Pagkagising ko ay naramdaman ko nalang kaagad ang sakit ng ibaba ko. Nilibot ko ang paningin ko at nasa isang kwarto pala ako habang nakahiga sa kama. Nang tumingin ako sa sarili ko ay halos manlumo ako sa nakita ko, wala akong ni isang katiting na suot habang nakabalot ng kumot ang buong katawan ko. Pilit kong inaalala ang mga nangyari kagabi at ang naalala ko lang ay kasama ko sila Jude, Jace, Karl at Rowan at pagkatapos nun ay may pinainom si Jace sa akin hanggang sa mahilo na ako nun at hindi ko na maalala pa ang kasunod na pangyayari. Hindi kaya? Umiling lang ako at hindi ko na mapigilang mapaiyak. Anong ginawa nila sa akin kagabi? Bakit wala akong maalala? At bakit nakahubad ako ngayon? "Gising ka na pala," Nakita ko nalang na pumasok mula sa kwarto si Karl na may dalang tray ng pagkain. Pagkatapos nun ay inilapag niya ang tray sa bedside table saka ito umupo sa gilid ng kama habang nakatitig sa akin. I glared at him. "Anong ginawa niyo sa akin kagabi, Karl? Bakit wala akong maalala sa mga nangyari kagabi at bakit nakahubad ako ngayon? Pinagsamantalahan niyo ba ako?" Naiiyak kong tanong. Natahimik naman siya sa sinabi ko pero ilang saglit lang ay nagsalita ulit siya. "As you can see, may nangyari nga sa ating lima kagabi. You're so very drunk last night to the point na hindi na namin mapigilan na halikan at hawakan ka. You know how much we love you, Allison at hinding-hindi kami papayag na si Kenneth ang makauna sa'yo." Seryoso niyang sabi. Hindi ko na mapigilan ang sarili kong mapahagulgol at saka ibinato kay Karl ang unan na nakalagay sa kama. Nakita ko naman na isa-isa na rin pumasok sa loob ng kwarto sila Jude, Jace at Rowan. "Mga walanghiya kayo! Pinagkatiwalaan ko kayo tapos ganito lang ang gagawin niyo sa akin? Bakit ba hindi niyo matanggap na si Kenneth lang ang mahal ko?" Naiiyak kong sigaw. Napayuko naman si Rowan sa sinabi ko habang si Jude ay umiwas lang ng tingin sa akin. Lumapit si Jace sa akin at hinawakan ang magkabilang-balikat ko pero pilit kong inilalayo ang sarili ko sa kanya. Kahit sa paghawak niya ay tila nandidiri na ako. "Tama ka, Allison. Hindi namin matatanggap si Kenneth para sa'yo to kaya nagawa na namin ang bagay na 'to because we love you!" Sabi niya. Umiling lang ako. "Hindi niyo ako mahal kundi obsess na kayo sa akin. Kung mahal niyo ako ay hindi niyo magagawa sa akin ang bagay na 'to at mas pipiliin niyong palayain ako at ipaubaya nalang kay Kenneth." Nanghihina ko nang sabi at napasubsob nalang sa tuhod ko. Hindi ko aakalaing magagawa sa akin ito ng mga taong pinagkatiwalaan ko at ang mas masaklap pa do'n ay mga bestfriends ko sila. Mga kababata ko sila at halos sabay na kaming lumaki. Mahal daw nila ako pero nagawa nila akong pagsamantalahan at hindi ko man lang alam kung ano ang mga pinaggagawa ko kagabi? They are so selfish at ngayon ay sobrang nasaktan na nila ang damdamin ko at hindi ko na alam kung maituturing ko pa ba silang mga bestfriends ko. Ano nalang ang mukhang ihaharap ko kay Kenneth? Ngayong hindi na ako virgin at ang mas masaklap pa ay ang mga bestfriends ko ang nakauna sa akin? Tumawa naman si Karl sa sinabi ko. "I think ganon na nga, obsess na nga kami sa'yo, Allison kaya nagawa namin 'to sa'yo but you can't stop us from desiring and wanting you. Mahal ka namin at kahit na kailan ay hindi ka namin ipapaubaya kay Kenneth!" May diin niyang pagkakasabi pagkatapos ay tumayo na siya at umalis na mula sa kwarto. Ganon rin si Jace at mukhang sinundan na si Karl. Nang tumingin naman ako kina Jude at Rowan ay nakatingin lang sila sa akin habang nakikita ko ang awa sa mga mata nila. "Hindi ko rin ine-expect na magagawa niyo sa akin 'to, Jude lalong-lalo ka na Rowan. Sinira niyo ang tiwala ko!" Puno ng hinanakit kong sabi. Bumuntong-hininga muna si Jude bago siya sumagot. "Hindi ko rin sana gagawin sa'yo 'to, Allison pero talagang mahal na mahal kita at ayoko rin na si Kenneth ang makauna sa'yo. Mga bata palang tayo ay may gusto na ako sa'yo kaya hindi mo ako masisisi kung bakit nagawa ko rin ang bagay na 'yon. Sana ay mapatawad mo ako balang araw." Malungkot niyang sabi pagkatapos ay umalis na rin siya. Puro iyak nalang ang nagawa ko at akmang lalapitan na sana ako ni Rowan nang pinigilan ko siya. "Nasaan ang mga damit ko? Iuwi mo na ako at sana pagkatapos ng ginawa niyong pagsasamantala sa akin ay hinding-hindi na kayo magpapakita pa ulit sa akin." May diin kong sabi. Natahimik naman si Rowan sa sinabi ko at tumango pagkatapos. "I'll take you home right now pero hindi ko maipapangakong hindi na kami magpapakita pa sa'yo. Nandyan 'yung mga damit mo sa drawer, kunin mo nalang." Ayon lang ang huling sinabi niya at umalis na rin siya. Nang ako nalang ang naiwan sa kwarto ay halos manlumo na ako. Maging sila ay hindi rin nakokonsensya sa ginawa nila sa akin. Anong klase ba silang mga kaibigan at ni hindi nila naiisip ang nararamdaman ko? Wala rin pala silang pinagkaiba kina Kuya Robin at Mama dahil pare-pareho lang sila. Ang mga taong pinagkakatiwalaan ko at minahal ko sa huli ay bababuyin at tatraydurin rin pala ako. Anong klaseng buhay ba 'tong ibinigay sa akin ng kapalaran? Bakit puro hirap at sakit nalang ang nararanasan ko? Kailan ba talaga ako magiging masaya? Gusto ko lang naman na maging normal ang buhay ko pero bakit ganito? Hindi ko na inimik si Rowan at ganon rin siya hanggang sa maihatid niya ako mula sa bahay. Wala na akong balak pang kausapin sila ulit nila Jude, Jace at Karl. Sa ginawa nila sa akin ay hinding-hindi ko na sila mapapatawad pa. Nang pumasok na ako sa loob ng bahay ay kaagad ko namang naabutan sa sala sina Kuya Robin at Mama na parang hindi mapakali. Nang makita nila ako ay kaagad akong nilapitan ni Kuya Robin na mukhang takot na takot at tensyonado. "Allison, saan ka ba nanggaling? Kagabi ka pa namin hinahanap pero hindi ka namin macontact!" Tanong niya. "Kuya Robin, ano bang nangyayari? May problema ba?" Tanong ko naman. Hindi ko mabanggit sa kanila na ang kasama ko kagabi ay ang apat kong traydor na mga bestfriends at pinagsamantalahan nila ako dahil gusto ko nalang ibaon sa limot ang mga nangyari kahit masakit rin para sa akin. "Lumapit naman sa akin si Mama na halos maiiyak na. "Si CJ, nagtangka siyang magpakamatay. Nasa ospital siya ngayon, Allison. Puntahan mo na siya sa ospital, please anak? He needs you." Pakiusap ni Mama. Nagulat naman ako sa sinabi ni Mama. Bakit nagtangkang magpakamatay si CJ? Dahil ba ito sa akin? Kaagad naman akong tumango. "Sige, pupuntahan ko siya. Kuya Robin, ihatid mo ako kung saan naka confine si CJ ngayon." Sabi ko. Tumango naman si Kuya Robin at lumabas na nga kami ng bahay saka sumakay sa loob ng kotse niya at kaagad niyang pinaandar ito. Hindi ko mapigilang hindi mag-alala para kay CJ. Maayos ang naging huling pag-uusap namin bago niya ako palayain pero bakit ngayon ay tinangka niyang magpakamatay? "You need to owned him an apology, Allison. Binanggit niya sa akin 1 week ago na pinapalaya ka na niya but deep inside he's still hurting kaya siya nagtangkang magsuicide nang dahil sa'yo." Banggit ni Kuya Robin habang nagmamaneho. Tumango nalang ako at hindi ko na rin mapigilang mapaluha. CJ, why did you do that? Nakarating na rin kami sa ospital at kaagad nang pumunta sa Confine Room kung saan ay nandoon si CJ. Iniwan naman ako ni Kuya Robin sa labas ng Confine Room at sinabing ako nalang ang pumasok sa loob. Pagkapasok ko sa loob ng room ay naabutan ko si CJ na nakasuot ng dextrose sa iba't-ibang parte ng katawan niya at kitang-kita ko rin ang hiwa sa bandang palapulsuhan niya at iilang sugat at pasa naman sa katawan niya. Nang makita niya ako ay kaagad siyang umiwas ng tingin sa akin. "Bakit ka nandito? Kung dahil lang 'to sa naaawa ka sa akin please lang, umalis ka na." May hinanakit niyang sabi. Umiling naman ako at lumapit sa kinaroroonan niya. "CJ, why did you do this? Bakit nagtangka kang magpakamatay? Is it because of me?" Naiiyak kong tanong. Humarap naman siya sa akin at bakas ang pagod sa mga mata niya na mukhang ilang araw na siyang hindi nakakatulog ng maayos. "This is what you want, right? Ngayon ay hindi na kita ginugulo at boyfriend mo na rin si Kenneth so I decided na manahimik nalang. Can you blame me kung iniisip kong hindi ko na kaya pang mabuhay sa mundong 'to kung hindi mo rin naman ako mamahalin? Sana nga namatay nalang ako ng tuluyan." Nakangisi niyang sabi pero ramdam ko ang lungkot sa tono ng boses niya. Mas lalo namang sumikip ang dibdib ko dahil sa sinabi ni CJ. Ako nga ang dahilan kung bakit siya nagtangkang magpakamatay and this is my fault. "CJ, hindi mo na sana ginawa 'to. Hindi mo naman kailangang sayangin ang buhay mo para sa akin. Maraming mga babaeng-" "Hindi ko kailangan ng ibang babae. Sa buong buhay ko ay ikaw lang ang minahal ko, Allison at hindi ko na kakayanin pang magmahal ulit ng ibang babae bukod sa'yo. Kung hindi mo rin naman ako mamahalin mas mabuti pang mamatay nalang ako. Ngayon ay hindi na kita ginugulo pa kaya malaya kanang mahalin si Kenneth." Sabi niya at kaagad nang tumalikod sa akin mula sa pagkakahiga niya sa hospital bed. Masyado na ba akong maraming nasasaktan? Hindi ko naman ginustong mahalin nila ako pero bakit nararanasan ko ang lahat ng 'to? I gulped. "Ano bang gusto mong gawin ko para kahit papaano ay gumaan ang loob mo?" Tanong ko at hinawakan ang kamay ni CJ pero kaagad naman niyang tinabig iyon. "Kung sasabihin kong makipaghiwalay ka na kay Kenneth at ako nalang ang magiging boyfriend mo ay hindi mo naman gagawin 'yon kaya wala ka rin namang magagawa." Sabi niya pagkatapos ay natawa siya ng mahina. Bumuntong-hininga ako. Sa pagkakataong ito ay napagtanto ko na hindi ko kayang sundin kung ano ang gusto ng puso ko dahil maraming mga taong maaapektuhan at masasaktan sa ginagawa ko. Siguro nga ay kapalaran ko na talagang makontrol at gawin ang gusto ng mga taong nasa paligid ko. I guess I didn't deserve to be happy lalong-lalo na ang mahalin si Kenneth nang may kalayaan. "I will do that." Parang mapapaos ko nang sabi at pinipigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Humarap naman si CJ sa akin at unti-unti itong napangiti. "Are you really sure about that? Hihiwalayan mo na si Kenneth para sa akin?" He asked. Tumango naman ako kahit labag sa kalooban ko. Kaagad naman siyang bumangon mula sa pagkakahiga niya at niyakap niya ako habang nakaupo pa rin siya sa hospital bed. "You didn't know how much I'm happy right now. Promise ko sa'yo, Allison, I will be the best boyfriend for you at sisiguraduhin kong mamahalin mo rin ako katulad ng pagmamahal mo ngayon kay Kenneth. You will forget him sooner at gagawin ko ang lahat para ako na ang mahalin mo." Masaya niyang sabi habang nakayakap pa rin sa akin. Tumingala naman ako at pinunasan ang mga luha ko. The happiness doesn't deserve to a girl like me. I'm really sorry, Kenneth kung hindi man ikaw ang nakauna sa akin o kung hindi na kita magagawang mahalin pa ulit. But always remember that you are always in my heart.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD