Chapter 14

1591 Words
ALLISON'S POV Isang linggo na ang nakakalipas simula nang maging kami ni Kenneth. Sa ngayon ay maganda at maayos naman ang relasyon namin except nalang sa pagiging seloso at possessive niya sa mga lalake kong kaklase kaya ang ginagawa ko nalang ay hindi na ako nakikipag-usap pa sa kanila lalong-lalo na kay Hiro na Student Council President dahil todo ang pagseselos ni Kenneth sa kanya sa tuwing nagkakausap kami nang kahit lang sa mga school stuffs. Totoo nga ang sinabi ni CJ na hindi na niya ako muling kukulitin o guguluhin pa kaya hindi ako naniniwala sa sinasabi nila Hannah at Paula maging pati na rin ni Hiro na baka may ibang binabalak si CJ para masira ang relasyon namin ni Kenneth kaya nananahimik na siya. Hindi rin naman siya nagsusumbong kina Kuya Robin at Mama kaya panatag na ako do'n. Baka tuluyan na talagang narealize ni CJ na hindi ako ang babaeng para sa kanya. Isang linggo na rin akong hindi pinapansin ng apat kong bestfriends. They can't still accept na may boyfriend na ako dahil alam kong nasanay na sila sa presensya ko. Gusto ko silang makausap pero hindi ko alam kung paano. But I know them at alam kong balang araw ay matatanggap rin nila si Kenneth para sa akin. Nang mag-uwian na ay sinundo ako ni Kenneth mula sa huling klase ko. Nakalabas na kami ng St. Claire at nakalimutan niyang dalhin ang iba pa niyang libro na kakailanganin para sa susunod niyang exams. Nagpaalam siya sa akin na maiwan niya muna ako saglit at hintayin nalang siya dito sa labas ng school. Tumango naman ako bilang sagot. Habang hinihintay kong bumalik si Kenneth ay may isang itim na kotseng pumarada sa harapan ko. Lumabas mula sa itim na kotse si Jace na ikinagulat ko. Kaagad niya akong hinila at isinakay sa loob ng kotse niya. "Jace! Teka, hinihintay ko pa si Kenneth-" "Can you just not mentioned him while you're with me?" Naiirita niyang sabi saka nito pinaandar ang kotse niya. Wala naman akong nagawa kundi ang manahimik nalang. After 1 week ay ngayon ko lang ulit nakita si Jace, mas lalo pa itong gumwapo kahit gwapo naman talaga siya. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nagawa pa siyang pagtaksilan ng first girlfriend niya e, na kay Jace na halos lahat ang ideal type ng isang babae sa isang lalake. Ilang oras rin ang byahe namin at wala ni isang nagsasalita sa amin. Hindi ko naman siya matanong kung hanggang ngayon ay galit pa rin ba siya sa akin. Nahihiya rin kasi akong ako ang unang magtanong dahil baka mamaya ay magalit na naman siya. Nakarating rin kami sa isang Private Resort. Bumaba kami mula sa sasakyan niya hanggang sa hinila ako ni Jace papasok sa loob nito. Nilibot ko nalang ang paningin ko sa lugar dahil talagang maganda at malawak dito at maraming mga swimming pools sa paligid. "Anong ginagawa natin dito?" Hindi ko na mapigilang tanong nang makarating na kami sa isang malaking kwarto. Hindi niya ako sinagot at binuksan lang ang bukas na pintuan nang kwarto. Pumasok naman kami sa loob at pagkatapos ay nilock iyon ni Jace dahilan para mapatingin ako ulit sa kanya. "Jace, ano ba talagang ginagawa natin dito? Saka bakit mo nilock 'yung-" Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang isinandal ako ni Jace sa pintuan ng kwarto at ikinulong mula sa mga bisig niya. "Allison, I missed you so much..." Mahina niyang banggit habang nakatitig sa akin. "Jace..." Tanging nasabi ko nalang. Hindi ko alam kung ano ang irereact ko at hindi ko rin namang maitatangging namiss ko rin si Jace. He's my bestfriend at sanay ako na palagi siyang nakikita at nakakausap. "1 week lang pero hindi ko na kinayang hindi ka makita at makausap. Nalulungkot lang ako dahil aaminin kong hindi pa akong handang magka boyfriend ka dahil sa buong buhay namin nila Jude, Karl at Rowan ay sa'yo lang umiikot ang mundo namin." Seryoso niyang sabi dahilan para mapahinto ako. "Hindi kita maintindihan, Jace-" "Allison, mahal kita hindi bilang isang kaibigan kundi mahal kita nang mas higit pa d'on. Hindi lang ako kundi pati na rin sila Jude, Karl at Rowan ay mahal ka rin. Kaya ayaw namin kay Kenneth para sa'yo ay dahil nagseselos at naiinggit kami sa kanya dahil mahal mo siya." He said. Gulat na gulat naman ako sa pag-amin sa akin ni Jace. Mahal niya ako maging pati na rin sila Jude, Karl at Rowan? "Pero magbestfriends tayo kaya paanong minahal niyo ako? Hindi pwede 'to, Jace at higit sa lahat may mahal na ako at 'yon ay si Kenneth!" Sabi ko at napatakip nalang sa mukha ko. Hinawakan naman ni Jace ang buong mukha ko at sinapo ito. "We're just hiding our feelings for you for the past few years, Allison at ngayong alam mo nang mahal ka namin hindi bilang bestfriend kundi bilang isang babae, sana ay hindi 'yon maging hadlang para layuan at baliwalain mo na kami nang dahil lang sa boyfriend mo." Sabi niya. Hindi ko maintindihan kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Magkakaibigan kaming apat at alam nilang hanggang bestfriends lang talaga ang turing ko sa kanila. Ngayon na sinabi sa akin ito ni Jace ay hindi ko maitatangging medyo naiiilang na ako sa kanila nila Jude, Karl at Rowan. Napayuko naman ako. "I'm sorry, Jace pero si Kenneth lang talaga ang mahal ko at kung anuman ang nararamdaman niyo para sa akin ay hindi ko mapapantayan 'yon dahil hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong maibigay sa inyo." Sa sinabi ko ay natahimik naman si Jace at ramdam ko ang malalalim niyang paghinga. Tumango siya pagkatapos at nagulat nalang ako nang biglang lumabas mula sa balcony ng kwarto sila Jude, Karl at Rowan. Anong ginagawa nila dito? "You heard what Allison said." Sabi ni Rowan habang lumalapit sa akin saka niya ako inakbayan. "Rowan? Jude? Karl? Anong ginagawa niyo dito?" Gulat kong tanong. Nagcross-arms naman si Karl at sumandal ito sa pader. "Plinano namin nila Jace na after ng klase mo ay ihatid ka niya dito dahil gusto ka naming makausap pagkatapos ng isang linggong hindi namin pagpansin sa'yo. Tama si Jace, may gusto kaming lahat sa'yo, Allison at mahal ka namin not as a bestfriends but as a lovers. Ngayong alam mo na 'yon ay naiintindihan mo na rin kung bakit hindi namin matanggap si Kenneth para sa'yo." Mariin niyang sabi. "Lalayuan mo na ba kami nang tuluyan nang malaman mo na may gusto ang apat mong bestfriends sa'yo?" Tanong naman ni Jude. Napakagat-labi ako. Ano nga ba ang dapat kong gawin at sabihin sa kanila? "I hope not. Kahit na sobrang napaka pakialamero ng boyfriend mo sa ating magkakaibigan." Natatawa namang sabi ni Karl. Pagod naman akong napaupo nalang sa kama. "A-alam niyo na siguro ang sagot ko. Sana ay tanggapin niyo nalang na boyfriend ko na si Kenneth at mahal na mahal ko siya." Sabi ko nalang at napabuntong-hininga. Umupo rin sa tabi ko si Rowan at nginitian ako. "We respect your decision, Allison but you can't stop us from loving you. Hayaan mo lang kaming maiparamdam ang pagmamahal namin sa'yo kahit wala ka namang nararamdaman para sa aming apat." He said. Tinignan ko naman siya. "But that's unfair, Rowan. Mga gwapo kayo, well educated at mababait pa kaya alam kong maraming mga babaeng magkakagusto sa inyo. Hindi lang naman ako ang babae dito sa mundo kaya hindi ko hahayaang sa akin lang iikot ang mundo niyo." Sabi ko na ikinailing lang nila. "Naranasan mo nang ma inlove kay Kenneth, 'di ba? Sa tingin mo ba ay kaya mo siyang bitawan nalang ng basta-basta?" Tanong ni Jace. Kaagad naman akong umiling. "Ganon rin kami, Allison. We're so madly deeply in love with you kaya napakahirap para sa amin na bitawan ka. Hayaan mo kaming mahalin ka sa paraang gusto namin. Isipin mo nalang na magbestfriends pa rin ang gagawin naming moves sa'yo." Lumapit naman si Jace sa akin at hinawakan niya ang isang kamay ko. Nang tumingin naman ako kila Jude at Karl ay nakangiti lang sila sa akin kaya wala na akong ibang nagawa kundi ang tumango nalang. "Okay." Pagsuko ko. Natuwa naman sila sa naging sagot ko at kaagad akong itinayo nila Rowan at Jace na nasa tabi ko lang. "Ngayong payag ka na sa set-up natin ay mag-enjoy tayo ngayong gabi bago ka namin ibalik sa boyfriend mo." Rowan said pagkatapos ay may iniabot siya sa aking isang paperbag na kanina pa niya hawak. Nang tinignan ko ang laman nun ay isang pares ito ng black bikini at iba pang mga extrang damit. "Where did you get this, Rowan? Don't tell me na binilhan niyo talaga ako ng isusuot ko sa plano niyong 'to?" Natatawa kong sabi. Tumango naman siya at ngumiti. "We will have a pool party kapalit ng pagkamiss namin sa'yo. Gusto ka naming masolo ngayong gabi." Sabi pa niya at kinindatan ako. "We can't wait you to wear that sexy outfit. Kami lang naman ang makakakita sa'yo since Private Resort 'to nila Jude." Sabi naman ni Jace dahilan para mapatingin ako kay Jude. "Really, Jude?" Gulat kong tanong. He nodded. "Yeah, so let's go?" Wala naman akong nagawa kundi ang tumango nalang at pagbigyan ang mga bestfriends ko kahit ngayong gabi lang. Masaya ako dahil tanggap na nila si Kenneth para sa akin pero at the same time ay nalulungkot rin dahil hindi ko maibigay ang pagmamahal na gusto nilang makuha mula sa akin. Why they fell in love with a girl like me?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD