Chapter 13

2025 Words
ALLISON'S POV Another day of classes begins. Sobrang maraming nangyari nitong mga nakaraang araw including na umamin na sa akin si Kenneth na mahal niya ako at naging kami na nga idagdag pa ang pagkamuhi sa akin ng mga bestfriends ko dahil hindi nila matanggap si Kenneth bilang boyfriend ko. Nalulungkot ako and at the same time ay hindi ko alam kung anong gagawin ko para magkaayos ulit kaming magkakaibigan. Hindi ko naman kasi pwedeng hiwalayan si Kenneth nang dahil sa kanila dahil ayoko namang masaktan si Kenneth sa gagawin kong iyon at isa pa, mahal na mahal ko siya at ayoko siyang iwanan ng basta-basta. Pagkatapos kong kumain ng breakfast kasama sina Kuya Robin at Mama ay kaagad na akong lumabas ng bahay at naabutan ko si CJ na nakasandal sa gilid ng kotse niya at mukhang hinihintay ako. "Get in." Tipid niyang sabi at kaagad nang pumasok sa loob ng kotse niya. Nagtaka naman ako dahil ang tahimik niya ngayon at mukhang wala sa mood. Mas mabuti na rin ang ganito para matahimik na ang buhay ko. Kapag nagsasalita kasi siya ay mas lalo lang akong maiinis o maiirita sa kanya. Kaagad naman akong pumasok sa loob ng kotse niya at umupo sa front seat katabi niya. Pinaandar na nito ang kotse niya hanggang sa makaalis na kami ng bahay. Nang tinignan ko si CJ ay tahimik lang itong nagmamaneho. Naninibago talaga ako sa ikinikilos niya ngayon. Gusto ko siyang tanungin kung may problema ba siya pero mas minabuti ko nalang na itikom ang bibig ko. "Anong oras ang dismissal niyo?" Sa unang pagkakataon ay nagsalita na rin siya ulit. "Ah, 5pm." Sagot ko naman. Tumango lang siya at hindi na muling nagsalita pa. Ito ang unang beses na umakto si CJ na hindi ako kinukulit o niyayabangan at nakakapanibago nga lang. He acts like a matured guy this day. Nang makarating na kami sa St. Claire ay pinark na ni CJ ang kotse niya sa loob ng parking ng school pagkatapos ay hinarap niya ako at tinignan ng seryoso. "I heard na kayo na pala ni Kenneth." Natigilan naman ako sa sinabi niya. Papaano niya nalaman na kami na ni Kenneth? "Nagkita kami nila Jude at Rowan sa gym at sinabi sa akin ni Rowan na ipinakilala mo na pala si Kenneth bilang boyfriend mo sa kanila." Sagot niya na mukhang alam na niya ang iniisip ko. Sinabi pala ni Rowan. There's no point of denying it kaya tumango nalang ako bilang sagot. "Yes, kami na nga ni Kenneth. I don't care kung isumbong mo man kila Kuya Robin at Mama na may boyfriend na ako. Mahal ko si Kenneth at ipaglalaban ko siya sa pamilya ko." Sabi ko. Nakita ko naman sa mga mata niya ang sakit mula sa mga sinabi ko. I'm sorry CJ pero kailangan mong malaman kung gaano ko kamahal si Kenneth at ayoko na umasa ka pa sa akin. "I see," Sagot niya at tumingin nalang sa ibang direksyon. This is not the CJ that I know. Ang akala ko kapag nalaman niyang kami na ni Kenneth ay magwawala siya sa inis at galit pero kabaligtaran nun ang ipinapakita niya ngayon. Tanggap na ba niyang kahit kailan ay hindi ko siya kayang mahalin? "O-Okay lang 'yon sa'yo?" Hindi ko na mapigilang tanong. He chuckled. "Ano pa bang magagawa ko kung naging kayo na? Alam ko namang siya ang gusto mo noon pa." Kibit-balikat niyang sinabi at tinanggal na nito ang suot niyang seatbelt. "Hindi mo ba ako isusumbong kina Kuya Robin at Mama dahil boyfriend ko na si Kenneth?" Tanong ko ulit. Ngumiti naman siya ng tipid. "Allison, I'm just tired of wanting you. Nasasaktan rin naman ako sa tuwing tinatanggihan mo ako palagi at binabaliwala. Narealize ko lang na kung hindi mo talaga ako mahal ay papalayain nalang kita. If Kenneth is the only one who can make you happy then its fine with me. I'm very sorry for him, too dahil sa mga pambubully at pagpapahiya na ginawa ko sa kanya dito sa school for the past four years." Seryosong sabi niya. Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi ni CJ. Ang akala ko ay hindi na aabot sa puntong hindi niya matatanggap na hindi ko siya gusto. Natuwa ako na mukhang tanggap na niya ang sitwasyon namin ngayon. Hindi ko na mapigilang mapaluha at niyakap si CJ dahil sa tuwa. "Thank you for letting me go, CJ." Emosyonal kong sabi. He hugged me back pagkatapos ay kumalas siya mula sa pagkakayakap namin. "Anything for you, Allison. Your happiness is my happiness too, because I really love you." Mahina niyang pagkakasabi at bumuntong-hininga pagkatapos. Yumuko naman ako I feel guilty at the same time. I know that CJ loves me so much but I can't return his love. Nagagawa lang naman niya ang mga bagay na iyon kay Kenneth nang dahil sa akin. He doesn't deserve a girl like me. Gwapo si CJ at alam kong marami pang babae ang magmamahal at magkakagusto sa kanya. "I'm sorry kung hindi man kita magawang mahalin pabalik, CJ. Gusto ko lang rin na maibalik natin kung anuman ang mayroon tayo noon katulad nalang nang pagiging magkaibigan natin noong mga bata palang tayo." Sa sinabi ko ay ngumiti naman siya at ginulo ang buhok ko. "You still remember that? Of course, doon naman tayo nagsimula at doon rin tayo nagtapos." He joked pero alam kong half meant iyon. Ngumiti nalang ako at pagkatapos ay pareho na kaming lumabas mula sa loob ng kotse niya hanggang sa naghiwalay na kami at nagpunta na sa kanya-kanya naming mga klase. Nang magbreak-time at natapos na ang dalawang klase namin ay kasama ko ngayon sina Hannah at Paula sa loob ng Cafeteria habang kumakain kami ng lunch. Kenneth texted me at sinabi niyang makikisabay siya sa aming maglunch at napangiti naman ako do'n. Ikwinento ko sa mga kaibigan ko na boyfriend ko na si Kenneth, hindi na sila nagulat pa do'n dahil obvious naman daw na gusto ko si Kenneth at gusto niya rin ako at ang pakikipagbati rin sa akin ni CJ kanina sa loob ng kotse niya at halos hindi naman sila makapaniwalang gagawin niya nga iyon. "Really? I smell something fishy, ha? Knowing CJ na ayaw magpatalo sa kahit na sino lalong-lalo na kay Kenneth? Baka may binabalak lang ang lalakeng 'yon kaya kunwari'y nakipag-ayos siya sa'yo at tinanggap na ang relasyon niyo ni Kenneth." Suspetsya ni Hannah na sinang-ayunan naman ni Paula. "Tama si Hannah, girl. Hindi rin ako naniniwalang natanggap na ni CJ na wala na talagang chance na maging kayo. At wala pa siyang naging violent reaction nung malaman niya 'yon? May kakaiba talaga." Sabi naman ni Paula at mukhang pinag-iisapan ang mga nangyayari. Napailing nalang ako. "Kayo talaga! Hindi ba pwedeng nagbago na si CJ at natanggap na niyang hindi ko siya kayang mahalin? Don't judge him because I know that he's nice naman." Sabi ko naman. "Okay. Sabi mo e," Sabi nalang ni Hannah at nagkibit-balikat. Hindi na rin nagsalita si Paula at itinuloy na niya ang pagkain niya. "Allison!" Napalingon naman ako sa tumawag ng pangalan ko and it's Kenneth na nakangiti sa akin. I smiled at him too nang makalapit na siya sa amin. Unlike before ay ibang-iba na ang itsura ni Kenneth. Although hindi pa rin nawawala ang eyeglasses sa mata niya dahil talagang medyo malabo na ang mata nito ngayon hindi na niya sinusuot ang salamin niyang may malalaking lenses. Hindi na rin mahahabang damit ang isinusuot niya kundi polo shirt na hapit na hapit sa katawan niya. Hindi ko alam kung naggygym ba siya pero maganda talaga ang katawan ni Kenneth. Sa hairstyle naman ay halatang nagpagupit na siya at clean cut na. Overall, napakagwapo na ni Kenneth at hindi niya napapansin na halos lahat ng mga estudyanteng nandito sa Cafeteria ay pinagtitinginan na siya at siya ang pinag-uusapan. "Si Kenneth Natividad ba 'yan? Ang gwapo naman pala niya sis!" "Oo nga and I didn't expect na ang hot rin niya." "Bakit kaya siya nagbago ng ayos? Dahil para mas umangat siya kay CJ?" "Makalaglag panty ateng! Ang yummy pa ng katawan!" Kung anu-ano pang mga bulungan at pinag-uusapan ng mga estudyante patungkol kay Kenneth ang naririnig ko at mukhang hindi na rin pinapansin pa ni Kenneth iyon. Nang tinignan ko sina Hannah at Paula ay halos tumulo na ang mga laway nila habang nakatingin rin sila kay Kenneth na umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. "Kenneth, ikaw na ba 'yan? Ang gwapo mo pala talaga. Mukha ka nang artista niyan!" Namamanghang sabi ni Hannah habang nakatingin sa kanya. "Oo nga. Kalevel mo na halos sila CJ at ang mga kaibigan niya pagdating sa kagwapuhan pero feeling ko naman ay mas angat ka na. Mas lalo ka tuloy bumagay dito sa kaibigan namin!" Sabi naman ni Paula at nginisian ako. Ngumiti naman si Kenneth sa kanila. "Salamat. Nagbago na talaga ako ng ayos para na rin sa sarili ko. Ayoko nang binubully pa ako nila CJ at ng mga kaibigan niya at ngayong kami na ni Allison ay hindi ko na hahayaang tinatapak-tapakan lang nila ang pagkatao ko. I need to fight back for myself." Sabi ni Kenneth na nagpalambot naman sa puso ko. I'm glad that he's changing for himself at hindi dahil lang sa gusto niyang lamangan o higitan si CJ. This is the Kenneth na gustong-gusto ko at mahal na mahal ko. "Naks naman! Tama 'yan no, pero alam mo bang kanina lang ay nag-usap sina CJ at Allison at tinanggap na raw ni CJ ang relasyon niyong dalawa?" Banggit naman ni Hannah dahilan para mapahinto si Kenneth at mapatingin sa akin. "Is that true, Allison?" He asked. Tumango naman ako. "Yeah. Narealize daw niya na kung hindi ko talaga siya kayang mahalin ay papalayain na niya ako at tinatanggap na niyang ikaw talaga ang mahal ko." Nakangiting sabi ko at hinawakan ang isang kamay niya. Hindi naman muling nagsalita pa si Kenneth at parang malalim rin ang iniisip nito. Hindi ko alam kung naniniwala ba si Kenneth sa ginawang iyon ni CJ katulad nina Hannah at Paula but I trust CJ this time at alam kong hindi niya sisirain iyon. Iniba na ni Kenneth ang usapan at nagtanong nalang ito kung ano raw ba ang gusto naming kainin dahil ililibre niya kami. Nang makarinig ng libre ang dalawa kong kaibigan ay para na silang nagdilang anghel sa paningin namin ni Kenneth kaya natawa nalang ako sa kanila. Pagkatapos ng break time ay kaagad na kaming bumalik sa mga susunod na klase namin. Ihahatid ako ngayon ni Kenneth sa susunod kong klase kaya ngayon ay naglalakad kaming dalawa papunta doon. Nang nasa tapat na kami ng classroom ko ay nginitian niya ako at hinalikan ng mabilis sa labi. "See you later. Susunduin kita mamaya." Sabi niya. I nodded at ngumiti pagkatapos ay umalis na siya. Nakita ko naman ang mga nakadungaw na estudyante sa loob ng classroom namin mula sa bintana at mukhang kanina pa kami pinapanood pero hindi ko nalang sila pinansin at pumasok na sa loob ng classroom namin. Pagkaupo ko sa seats ko ay kaagad naman akong nilapitan ni Hiro. Isa sa mga kaklase ko at Presidente ng Student Council ng St. Claire. "Kayo na ni Kenneth?" Tanong niya sa akin. Tumango naman ako at ngumiti. "Oo. Kami na." Nginitian naman niya ako. "Nice, hindi naman ba nagalit si CJ nung nalaman niyang kayo na ni Kenneth?" Tanong ulit nito. Umiling ako. "Tanggap na niyang kami na ni Kenneth at pinapalaya na niya ako. I'm glad na narealize niyang hindi talaga ako ang babaeng para sa kanya." Sabi ko. Para namang hindi makapaniwala si Hiro sa sinabi ko at tumawa ng mahina. "Really? Imposible yata 'yon. Kilala ko 'yang si CJ, hindi 'yan tumatanggap ng pagkatalo kaya kung ako sa'yo Allison, 'wag kang nagpapaniwala sa mga sinasabi nun." Naiiling niyang sabi at kaagad nang umalis at umupo sa seats niya. Napaisip naman ako. Bakit maging pati rin si Hiro ay hindi naniniwalang sincere si CJ sa paghingi niya ng tawad at pagtanggap niya ng relasyon namin ni Kenneth? Kanino ba talaga ako dapat maniniwala?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD