Kabanata 9

1922 Words
Jaden's POV Hindi ko talaga mapigilan na magselos lalo na't ang lapit na ng loob ni Trinity sa mga lalakeng kasama niya dito sa loob ng bahay. Gusto ko man aminin sa kanya na ako si Jojo na kababata niya ay hindi ko magawa dahil alam ko na kapag nalaman niya iyon ay kamumuhian niya ako at ipagtatabuyan. Nasaktan ko siya dahil hindi ko natupad ang pangako ko sa kanya na babalikan ko rin siya. Kung alam lang talaga niya ang dahilan kung bakit kailangan namin noon na tumira sa amerika. Hanggang ngayon ay mahal ko pa rin si Trinity na kahit wala akong karapatang magselos ay nagagawa ko pa rin. "Hanggang kailan mo balak itago sa kanya na ikaw si Jojo?" Ani Sam habang nagdidribble ng bola at ishinoot sa ring. Nandito kasi kami ngayon sa basketball court sa may plaza malapit lang sa bahay. Ipinasa naman sa akin ni Sam ang bola, nagdribble din ako at ishinoot ang bola sa ring. "Kapag handa na ako." Napatawa itong bigla ng mahina sa sinabi ko. "Kailan pa kaya iyon? Kapag may isa na siyang nagustuhan sa atin?" Napahinto ako sa sinabi niya. "Sa atin? May gusto ka rin ba kay Trinity? Kakalabanin mo din ba ako Sam?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Huminto siya sandali sa pagbabasketball at nagpunta sa bench matapos ay uminom ng tubig sa bottled water na kinuha niya mula sa bag nito. "She's nice, kind and pretty at magsisinungaling ako kung sasabihin ko sayo na hindi ko siya gusto, I like her too, Jaden at habang maaga pa ay sabihin mo na sa kanya na ikaw si Jojo, otherwise may karapatan din naman ako na piliin niya." Tila napailing ako sa sinabi niya. Siya rin pala ay may gusto kay Trinity? Tss. Ano ito? Reverse-harem? [Reverse-harem; A Japanese term to a girl that 4 or more men admires her] "I can't believe this!" Nakangisi kong sagot na parang naiinis sa sinabi niya. Akala ko pa man din ay susuportahan niya ako kay Trinity iyon pala ay makikipagkumpitensiya din siya sa akin. He just smiled at kinuha ang sports bag niya at isinabit sa kanyang braso ang towel na hawak niya. "Sana maintindihan mo ako Jaden. Kailangan ko din ng babaeng aalagaan at mamahalin ko. Sige, uuwi na ako." Matapos niyang sabihin iyon ay naglakad na ito papalabas ng court hanggang sa makaalis na siya. "Ang dami-dami namang babae diyan at bakit si Trinity pa ang gusto nila?" Tanong ko sa sarili. Habang nakaupo lang ako dito sa bench sa court ay may tatlong lalake ang pumasok at isa sa kanila ay pamilyar sa akin. Hindi ba't siya 'yong kaibigan ni Trinity na mukha nang espasol dahil sa kaputian? Nakasuot sila ng jersey at may hawak din silang mga sports bag at bottled water. Napatingin sa gawi ko ang espasol na 'to saka siya ngumiti at lumapit sa akin. Psh. "Ikaw pala, Jaden." Sabi niya at umupo sa tabi ko. "Ako nga," Sagot ko na lang at kinuha ang bottled water ko at ininom. Sinenyasan niya ang dalawa niyang kasama na mamaya na lang sila maglalaro at tumango na lang sila. "Alam mo ba na first kiss ako ni Trinity?" Sabi niya na nakangiti sa akin. Sabi na nga ba. Isa rin siyang mapagpanggap. Nagulat ako sa sinabi niya pero hindi na lang ako nagsalita. "Ninakawan ko kasi siya ng halik noong high school pa lang kami habang natutulog siya sa bahay namin dahil sabay lagi kaming nagrereview. Nakatulog siya kaya I grab the opportunity.." "Ibang klase ka." He chuckled na mas lalong nagpainis sa akin. "Maraming nagkakagusto sa kanya pero walang nagbabalak na manligaw dahil natatakot sila sa isang Jerome Cruz." Sumandal siya sa bench na inuupuan namin at pinaglaruan ang towel na hawak niya. "Not unless na may nakisalang Gavin Daryl Buenavista. Mas sumasaya ang laro dahil sa kanya." Napakuyom ang kamao ko sa sinabi niya. "Niligawan ko siya nung first year college palang kami pero binasted niya ako. Well, makakapaghintay naman ako kasi sa akin lang siya babagsak." Akalain mo nga naman. Sa unang tingin ay akala mo kung sino siyang santo ayon pala ay isa rin sa mga nagkukubling demonyo. Sa bahay nga meron pati din pala dito. Tinignan ko siya at nginisian. "Mabuti na lang pala at binasted ka niya. Siguro hindi lang talaga gusto ni Trinity ang mga kaibigang mapagpanggap at manloloko." Mukhang nainis ito sa sinabi ko pero hindi lang niya ipinahalata. Pinagpatuloy ko pa ang sasabihin ko. "Alam mo, malaki ang tiwala sayo ni Trinity kaya huwag mo siyang lokohin ng ganyan. Makuntento ka na lang sa pagiging magkaibigan niyo." Natahimik siya sa sinabi ko kaya tumayo na ako at binitbit ang mga gamit ko. "Makuntento ka sa kung anong meron kayo dahil panigurado na may isang tao rin ang naghihintay lang sa kanya." And I left him hanging. At ako ang taong iyon. Travis' POV Pagkatapos ng isang linggo ko na pagbabakasyon sa Japan ay sa wakas at nakauwi na rin ako ng pilipinas. Bumisita kasi ako sa aking lola dahil sa business matters. Desidido na talaga sila ng mga magulang ko na sa akin ipahandle ang kompanya namin. Wala naman akong magawa kundi ang sumunod sa kanila alang-alang sa inheritance ko. I research something about our fiancé na kasama namin na titira sa TREASURE house at nalaman ko na siya pala yung babaeng ipinahiya ako sa bar. Si Trinity Hernandez. Hmm.. let's find out kung magiging akin ba siya. Ako na lang pala ang hindi namemeet ng babae na iyon. Ano naman kaya ang magiging reaksiyon niya kapag nalaman niya na isa rin ako sa makakasama niya sa iisang bahay? Panigurado na magugulat siya at maiinis na din. Mukhang masaya 'to. Habang nagdadrive ako pauwi ng bahay galing sa airport ay tumatawag sa phone ko si David kaya sinagot ko ito. "Ano?" Inis kong sagot. Istorbo e. (Woah! Chill ka lang.. ang init na kaagad ng ulo mo) Sabi niya habang naririnig ko na nagpipigil siya ng tawa sa kabilang linya. "Kung ang itinawag mo ay kung nasaan na ba ako, I'm driving at malapit na ako. Okay na?" (Mind reader ka ba, Travis? Alam na alam mo na ang itatanong ko ah?) Tss. Hindi ko talaga magets kung bakit si David ang pinakaclose ko e, iritang-irita ako palagi sa kanya. "Bye." (Teka--) Magsasalita pa sana siya nang ibinaba ko na ang tawag. Badtrip na nga ako kanina kay lola tapos may mangungulit pa sa akin. Mas lalo tuloy sumakit ang ulo ko. Pagkatapos ng ilang oras na pagdadrive ko ay narating ko na din ang bahay. Binaba ko na ang maletang dala ko at ipinapasok iyon sa guard sa loob. Pumasok na ako sa loob at dumiretso sa sala para magpahinga. Medyo pagod na rin kasi ako sa biyahe. "Nakauwi ka na pala," Sabi ni Justin na mukhang kakagising lang dahil gulo-gulo pa ang buhok nito at kinukusot pa ang mata niya. "Yeah. Nasaan yung iba?" Tanong ko at isinandal ang ulo ko sa sofa. Lumapit naman siya sa akin at umupo sa tabi ko. "Yung iba may kanya-kanyang pinuntahan. Yung iba nasa kwarto, natutulog at si David lumabas sandali, may bibilhin lang daw siya." Tumango na lang ako. "Yung Trinity? Nasaan na siya?" Hindi ko mapigilang tanong. Gusto ko na siyang makita. "Pumasok pero uwian na yata nila kasi 6pm na din. Kilala mo na pala siya?" Tanong nito. "Nagresearch ako tungkol sa kanya." Sagot ko na lang. He sighed. "She's nice at mukhang nagugustuhan na siya ng mga kaibigan natin." Bigla akong napatingin kay Justin dahil sa sinabi niya. "Really?" He nodded. Mukhang mapaparami ang makakalaban ko sa kanya. Hindi ko rin naman sila masisisi dahil nakakahypnotize ang babaeng iyon at kapag natitigan mo siya ay hindi mo na maialis ang mga mata mo sa kanya. That girl has something. "She's beautiful." Sabi niya nang nakangiti. "May gusto ka rin sa kanya?" He shrugged. Tss. Ilang minuto din ang nakalipas nang magsidatingan na silang lahat at nung nakita nila ako ay kinamusta nila ako. Sinagot ko naman ang mga tanong nila kahit medyo pagod ako. They are still my friends after all. Natigil kami sa pag-uusap nang biglang pumasok ng sabay sina Kevin and the girl I saw and encountered in the bar. That Trinity. She's wearing a uniform and skirt but she's still beautiful and gorgeous. Nang makita niya ako ay nanlaki ang mga mata niya and I smirk. Hinatak naman siya ni Kevin at lumapit sa pwesto namin. "Trinity, siguro hindi mo pa siya kilala. I want you to meet, Travis." Pakilala ni Daniel sa amin sa gulat pa rin na mukha ng babae na 'to. She's so beautiful in any facial expressions. "Hi. I'm Travis." Pakilala ko sa kanya at nag offer ng shakehands. Nang makabawi siya sa pagkagulat ay ngumiti ito ng peke at nakipag shakehands rin. "Nice to meet you." Medyo may pagkainis niyang sabi pero napangisi na lang ako. Mukhang ayaw niya sa akin pero gagawin ko ang lahat makuha ko lang siya. Tinitigan ko lang siya kaya bigla naman niyang binawi ang kamay niya sa akin. Nakita ko naman ang pagkainis ng mukha ni Kevin kaya mas lalo akong napangisi. I know he's playing safe and so I do. Kilalang-kilala ko na si Kevin. "Ngayong nameet mo na si Travis, umupo na kayong dalawa ni Kevin." Umupo naman silang dalawa. Nakikita ko sa mga mukha nila na ayaw nilang katabi ni Trinity si Kevin at ganon rin ako pero wala naman silang magagawa don. I'm staring at her at nahuhuli ko siya na tumitingin kay Jaden na tumitingin din sa kanya. Hindi kaya? Hindi! Hinding-hindi pwedeng mangyari iyon. "18 years old ka pa lang, Trinity?" Tanong ko dahil naiinis na ako sa pagtitinginan nila ni Jaden. Mukhang nagulat siya sa biglaang tanong ko kaya tinitigan niya ako ng masama bago sumagot. She's cute when got angry. "Oo. I'm only 18." Sagot niya at inirapan ako. Mas matanda pala ako ng limang taon sa kanya. Napapansin na ng mga lalakeng 'to na ayaw sa akin ni Trinity kaya nagtanong na sila. "Kanina ko pa napapansin na parang magkagalit kayo. Magkakilala na ba talaga kayo?" Tanong ni John habang nagtatakang nakatingin sa amin. "No!" Sagot ni Trinity using her defensive tone. "Ah, okay?" Tumango-tango nalang si John na mukhang may pagdududa pa rin. ** "You like her?" Bulong sa akin ni Arthur habang nakatambay kami sa garden at nakaupo sa may hagdan. Nginisian ko na lang siya sa tanong niya at nakita ko na napatampal siya sa noo niya. "Kilala kita Travis, huwag mo siyang gawan ng masama. She's not your girl." Napatawa naman ako ng mahina sa sinabi niya. "Talagang gustong-gusto niyo siya ha?" Sabi ko sabay ininom ang beer in can na hawak ko. Bumuntong-hininga muna siya bago sumagot. "A-ano kasi.. mabait siya at maaalahanin. Magaan ang loob ko sa kanya at parang maaapektuhan ka na lang when you see her crying. B-basta, don't hurt her." Knowing Arthur na hindi naman ganito kaconcern sa isang babae ay nakakapanibago. That girl is changing my friends. "Fine." Sabi ko at napangiti na lang siya. Hindi ko alam pero simula nang makita ko si Trinity sa bar noon at nilapitan ay natuwa ako at nagulat dahil inisnob niya ang isang Travis Ramos. I know she's not interested with me when we first encounter pero ngayon.. I'm kindly interested to her. I want her. 'Makukuha din kita. Tandaan mo yan' The words I said before. I'll make sure that she's going to be mine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD