Bonnie's POV
Nasa tapat na kami ng bahay na tinitirhan ni Trinity kasama ang 13 guys na nakatira din dito. Malaki naman ang bahay at mukhang mayayaman talaga ang nakatira dito. Lumabas na kaming anim sa sinakyan naming kotse ni Leo.
"Infairness, malaki ang bahay ha?" Namamangha kong sabi habang nililibot ko ng tingin ang buong bahay.
"Pero mas malaki pa rin ang bahay nila Leo." Sabi ni Micca.
"Paanong hindi malaki ang bahay nila Leo e, milyonaryo lang naman po sila," Sarkastikong pagkakasabi ko.
Natawa na lang sila sa sinabi ko at pinapasok na kami ni Trinity sa loob. Nang nasa loob na kami ay may isang gwapong lalake ang lumapit kay Trinity. Holy cow! Ang gwapo niya.
"Mga kaibigan mo?" Tanong nung gwapong lalake kay Trinity na pinasadahan kami ng tingin.
"Oo David, gusto kasi nilang makita itong bagong tinitirhan ko." Sagot naman ni Trinity.
David ba ang pangalan niya? Ang gwapo naman ng pangalan niya. Kasing gwapo din niya.
"Ganon ba? Doon tayo sa may sala." Nakangiti nitong sabi kay Trinity at makikita dito ang sparks sa mga mata niya.
Bigla akong nanlumo dahil nakikita ko rin na may gusto siya kay Trinity. E, ano pa nga ba? Halos lahat naman ng mga lalake ay nagkakagusto kay Trinity. Kahit nga si Leo noon na hindi pa niya nakikilala si Chae ay minsan nang nagkagusto kay Trinity noon, pero hindi ko naman masisisi si Trinity na maraming nagkakagusto sa kanya dahil isa siyang maganda, mabait at mabuting tao. I won't waste it nang dahil lang sa isang lalake.
Sinundan namin sila Trinity at David papuntang sala at habang naglalakad kami ay biglang bumulong si Chae sa akin.
"Isa ba yan sa 13 guys? Ang gwapo niya no?" Siniko ko naman siya.
"Marinig ka ni Leo diyan, baka magselos 'yon." Sabi ko at tinignan si David.
"Type mo ba?" Pang-aasar niya.
"Ewan ko sayo!" Inirapan ko si Chae at nagpatuloy na lang kami sa paglalakad.
Aminin ko man o hindi pero type ko si David kaso hindi na pwede.
Nang narating na namin ang sala ay naabutan naming nagkukulitan ang mga sinasabing kasama ni Trinity sa bahay na ito. Mayroong nagkukulitan, nag-uusap, may natutulog at ang iba ay may mga sariling mundo.
Napatigil silang lahat sa kani-kanilang mga gawain nang makita nila kami.
"Hi guys! Mga kaibigan ko nga pala." Pakilala ni Trinity sa amin. Tumango naman silang lahat at inaya kaming maupo.
"Introduce yourself guys." Bulong sa amin ni Trinity. Halata namang walang pakialam dito ang dalawa naming kasamang lalake.
"Hi! Ako nga pala si Micca." Pakilala ni Mecca sabay sulyap dun sa lalakeng mataba ang cheeks at cute. Type niya?
"I'm Chae." Pakilala ni Chae sabay sulyap sa lalakeng gwapo at cute.
"Bonnie." Pakilala ko sabay sulyap kay David na nakangiti sa akin. OMG! Kinikilig ako sa kanya! Sana he's good at singing like me para same kami.
Napansin naman ni Trinity na ayaw magpakilala nila Leo at Jerome na nakasandal lang sa may couch kaya sinamaan niya ito ng tingin. Mukhang nakuha naman ng dalawa ang nais iparating ni Trinity kaya umayos na sila sa pagkakaupo at nagpakilala.
"Leo." Walang ganang sagot nito at ngumiti ng pilit.
"Jerome." Nakangiting sabi ni Jerome na ikinatuwa naman ni Trinity. Paimpress lang sa babaeng nafriendzoned siya?
Tumango yung mga lalake at ang iba sa kanila ay nahalata ang pagkadisgusto nila Leo at Jerome sa kanila pero nanatili na lang silang tahimik.
Nagpakilala din sila sa amin isa-isa at nalaman ko na John pala ang pangalan ng lalakeng kanina ay tinitignan ni Micca at si Daniel yung gwapo na cute. Nagkukwentuhan lang kami nang mapansin ko na palihim silang lahat na tumititig kay Trinity na masayang nakikipag-usap kay Chae. Napaghahalataan na talaga sila!
"Check mo nga si Trins, baka tunaw na." Napansin din pala iyon ni Micca.
"Oo nga e, ang obvious nila." Napadako ang tingin ko sa lalakeng yellow ang buhok na napansin kong tinitignan ni Trinity kanina.
"Napansin mo ba yung lalakeng kulay yellow ang buhok?" Tinuro ko kay Micca yung lalake.
"Ah, Jaden yata ang pangalan niya, pero kung sa bagay, ang gwapo din niya kaso mukhang suplado." Nakapout na sabi nito.
"Hindi mo ba napansin? Kanina pa yan tinitignan ni Trinity."
"Oh? Baka iyan ang type niya. Sino ba namang hindi magkakagusto kay Yellow head e, ang gwapo na at papable pa. Pero mas type ko pa rin si John. Hihi." Kinikilig nitong sabi habang nakatitig siya kay John na busy naman sa pakikipagkukulitan.
"Mukhang may tama ka na diyan sa John na yan ha?"
"Hmp. E, ikaw nga diyan ang over mong makatitig kay David kanina pa." She got me kaya napatahimik ako na ikinatawa niya.
Sige na! Aaminin ko na crush ko na si David. E, sa ang gwapo niya. Ano namang magagawa ko? At mabait pa!
Nagmasid ulit ako sa kanila at tinignan ko yung isang lalake na Arthur ata ang pangalan na nakatingin kay Trinity. Hindi ko alam pero nangilabot ako sa way ng pagkakatitig niya, parang may tinatago siya na kung ano sa kanya. Ay! Nababaliw na talaga ako sa mga thoughts ko. Ito ang nakukuha ko sa mga napapanood kong suspense/horror movies e. Kung ano-ano na ang mga pinag-iisip ko.
Matapos ng mahigit isang oras namin sa bahay na iyon ay napagpasiyahan na naming umuwi. Nagpaalam na din kami kila Trinity at tuluyan ang umalis doon.
"Hindi talaga maganda ang kutob ko sa kanila." Ani Jerome.
We feel the same way too.
Trinity's POV
Nang makaalis na ang mga kaibigan ko ay umakyat na ako sa loob ng kwarto ko at nagpalit ng manipis na malaking tshirt at maikling shorts. Sobrang init ng panahon at nasanay na rin ako na ganito lang ang suot ko sa loob ng bahay namin.
Bumaba na ako sa aking kwarto at dumiretso na sa dining area. Nakita ko silang lahat na napabuntong-hininga at parang naiinitan nang makita nila ako dahil panay ang paypay nila sa kanilang mga sarili.
"May problema ba?" Tanong ko sa kanila.
"W-wala.. Ang init lang dito kasi summer na, di'ba?" Sagot ni Sam habang pinapaypayan ang sarili niya gamit ang kamay nito.
"Ah, oo nga e. Sobrang init na pero hindi pa summer, January pa lang." Natatawa kong sagot at umupo sa tabi ni Kevin na nginitian ako.
"Hehe. Oo nga pala," Napakamot na lang si Sam sa ulo niya.
"Usap tayo mamaya sa may terrace." Nakangiting sabi sa akin ni Kevin. Ngumiti rin ako at tinanguan siya.
Bigla namang nalaglag ang kutsara ni Jaden dahilan para malipat sa kanya ang atensiyon namin.
"S-sorry," Sabi niya sabay yuko at kinuha ang kutsarang nalaglag sa ilalim ng lamesa.
Nagsimula na kaming kumain at pinag-uusapan namin ang pakikipagmeet ng mga kaibigan ko sa kanila.
"Mukhang ayaw yata sa amin nung dalawang kaibigan niyong lalake." Sabi ni Jun habang busy sa pagkain.
"Sina Leo at Jerome ba? Pasensiya na kayo sa kanila. Ganon lang talaga sila kapag hindi pa nila lubos na kilala ang isang tao." Sabi ko.
Napatango naman si Jun. "Yung Leo ba girlfriend niya yung Chae?"
"Oo." Sagot ko naman.
"E, yung Jerome? Girlfriend niya si Bonnie?" Napailing naman ako na parang matatawa na.
Ayaw na ayaw nga ni Bonnie kay Jerome dahil masyado raw malambot kumilos at walang sense of humor at ayaw na ayaw ni Jerome kay Bonnie dahil masyado raw madaldal at nakakairita dahil makulit.
"Hindi. Ayaw nga nila sa isa't-isa dahil opposite na opposite sila ng taste." Sabi ko.
"Oo nga naman, mukhang type kasi ni Bommie si David. Kung tumitig ba naman parang malulusaw na si David." Matawa-tawang sabi ni Kyle na sinamaan ng tingin ni David. Napansin ko din iyon kanina at ikukumpirma ko yun kay bruhilda. Mukhang crush niya yata si David.
"May iba na akong gusto.." Sambit ni David at tumingin sa akin na ipinagtaka ko.
"Hahaha okay. E, kumusta naman ang kay John? Mukhang may type yung Micca sa kanya." At natawa naman kaming lahat doon.
Bagay naman kasi talaga sina John at Micca dahil pareho silang cute at pinakabata sa grupo.
"Bagay!" Pang-aasar ni Mason.
"Loveteam of the month goes to JohnMi Couple!" Pang-aasar pa ni Justin na mas lalo naming ikinatawa.
"Trip niyo ako, e no?" Naaasar na sabi John habang nakatingin ng masama sa mga kaibigan niya.
"E, si Daniel? Kay Jerome?" Natawa na kami nang tuluyan sa sinabi ni Arthur.
"Napansin ko kasi na nakatitig ng masama si Daniel kay Jerome kanina. Baka nagseselos siya kay Leo." Dugtong pa niya na may halong pang-aasar.
Parang sasakit na nga ang tiyan ko sa kakatawa. Ang saya pala nilang kasama. Mapapatawa ka talaga sa mga kalokohan nila.
"Gago!" Binato ni Daniel si Arthur ng table napkin at tumama ito sa mukha niya na ikinatawa din naming lahat.
"They are just crazy." Sabi ni Kevin sa akin habang naiiling na ngumingiti.
"Ang saya nga e," Sabi ko sa kanya. He just smiled at me at nagpatuloy na sa pagkain niya.
Si Jaden naman ay tahimik lang na kumakain pero kanina ay palihim siyang napapangiti sa mga kalokohan ng mga kaibigan niya. He's not expressive pero may pakiramdam rin siya. At kapag naaalala ko na naman ang epic fail plan ko na 'Seduce Him' ay nahihiya ako sa ginawa ko. Nakita ko pa ang katawan niya na napaka-hot kaya namumula ako kapag naaalala ko iyon. Ano nga ba ang pumasok sa isip ko at ginawa ko ang bagay na iyon?
After we eat at maglokohan ay nag-insist ako na ako na ang maghuhugas ng plato pero pinigilan akong gawin iyon kaya ang end up ko ay nasa may sala lang ako at naglaro na lang ng games sa cellphone ko.
Naramdaman ko na may umupo sa tabi ko kaya nilingon ko ito. Nagulat na lang ako na si Daniel pala.
"Daniel?" Ito na naman. Kinakabahan na naman ako sa kanya. Baka halikan na naman niya ako.
Yumuko siya na parang nahihiya sa akin. "Trinity, I'm sorry for what happened in the other day. I didn't mean to kiss you.. I'm j-just.." Napasabunot siya sa kanyang buhok na tila nahihirapan sa sasabihin niya. Inaantay ko na lang siyang magsalita.
"I-im just broken hearted. My girlfriend broke up with me.." Laking gulat ko na lang nang bigla siyang napaupo sa sahig at parang hirap na hirap ang sitwasyon niya kaya ang ginawa ko na lang ay yakapin siya.
"Magiging okay rin ang lahat Daniel. Marami pa naman diyang iba na mas papahalagahan ka." Hinagod-hagod ko ang kanyang likod para kahit papaano ay kumalma siya.
"But.. I love her." Napakaswerte naman ng babae na 'yon. Sobrang mahal siya ni Daniel to the point na naghihirap na ito.
"Alam mo Daniel, kung mahal mo talaga siya, respect her decision. Malay mo ay may hihigit pa sa kanya. All you need to do is to move on." Napatitig ito sa akin pero hindi na yung titig na parang kakainin niya na ako ng buhay nung una kaming nagkakilala. Yung titig niya ngayon ay parang namangha ito sa sinabi ko.
"Now I wonder kung bakit nagustuhan ka nila." Ano daw? Nagustuhan nila? Sinong nila?
"Ano Daniel? Sinong nila ang tinutukoy mo?" He just shrugged to my question.
"Wala 'yon."
Umupo na kami ulit sa sofa at nakikita ko na medyo kalmado na siya.
"Okay ka na?"
He nodded. "Yes. Salamat. Hindi ko na talaga uulitin na halikan ka. Hindi ko iyon sinasadya." Nakikita ko sa mga mata niya na hindi niya sadya.
"Okay na Daniel, naiintindihan ko naman kung bakit mo nagawa 'yon." I smiled at him.
Kahit papaano ay hindi na ako kinakabahan kay Daniel. Dala na rin siguro ng pagiging broken hearted niya kaya hinalikan niya ako. Makakagawa ka kasi ng isang bagay na hindi naman pwede dahil sa depression na nararamdaman mo at labis ko 'yon naiintindihan sa kanya.
"Salamat." And he patted my head as his little aister.
Lingid sa kaalaman nila Trinity at Daniel ay may isang pares ng mga mata na nanonood sa kanila. Tila nagagalit ito sa kanyang nakikita kaya napakuyom ang kanyang mga kamao at napaigting naman ang kanyang bagang.
"Akin lang si Trinity! Walang ibang pwedeng magpangiti sa kanya kundi ako at ako lang.."