TALAGANG na-enjoy ko ang isang linggong honeymoon namin sa Isla Paraiso. With Vince beside me, wala na akong mahihiling pa. Nagmistula akong isang primsesa sa isang kastilyo na malayo sa tunay na mundo. Hindi niya hinahayaan na kumilos ako na mag-isa dahil mas gusto niyang siya ang nag-aasikaso. We went fishing na labis kong ikinatuwa. At ang nahuli namin ay niluto at inulam namin. Lahat ng pagkain namin ay fresh kaya naman lagi akong maganang kumain. Sa ilang araw na malayo ako sa siyudad ay nasanay na akong si Vince ang kasama kong salubungin ang pagsikat ng araw at paglubog niyon. Siya rin ang kasama kong titigan ang mga bituin at buwan sa gabi. Sa tuwing aangkinin niya ako ay nagpapaubaya lang ako. Nagigising at natutulog akong kayakap siya at sa sandaling magtagpo ang mga labi namin