SABAY kaming naligo. Ang malamig na tubig ay di ko alintana dahil nahulog ako sa malalim na pag-iisip. Ang mga salitang binitiwan niya ay pilit pa rin umuukilkil sa utak ko. Natapos na kaming maligo nang hindi ko man lang namalayan. Si Vince pa mismo ang nagsabon ng buo kong katawan. Binalot niya rin ako ng tuwalya at binuhat. Dinala niya ako sa malaking kama at pinaupo sa gilid. Kumuha siya ng isa pang tuwalya upang tuyuin ang buhok ko. Hindi ko alam kung oras anong na ng gabi. Tiyak kong hindi ako agad makakatulog kahit pa anong pagod ang maramdaman ko. Kahit na may sinasabi sa akin si Vince ay tila hindi ko marinig. Nanlaki na lang ang mga mata ko nang lumapat na lang ang labi niya sa akin. Napakagaan ng halik niya. Dahil doon ay bigla akong natauhan. He smiled at me like he wanted to