NAUNA akong matapos kumain ay hinayaan ako ni Vince na saglit na libutin ang iba pang bahagi ng malaking mansion ni Marcus. Siya na rin ang naghugas ng pinagkainan namin pagkatapos naming maglipit ng hapag kainan. Gusto ko na ngang makipag-away sa kanya dahil ayaw niya akong payagang maghugas. Hindi raw ako pwedeng mapagod. Bakit ba kasi ang cute niya kahit iba na ang dating ng sinasabi niya? Nakarating ako sa ikalawang palapag. May dalawang silid na nang buksan ko ay talagang namangha ako. Napakalaki niyon para sa dalawang tao. Kompleto ang gamit. May malaking bintana na tiyak kapag binuksan ay malayang makakapasok ang malamig na hangin. May sala rin. Sunod kong tinungo ang malaking banyo. May bath tub at shower na tila nang-aanyayang subukan ko. Iyon nga ang ginawa ko. Bagama’t malamig