KABANATA 15

1091 Words

GUSTUHIN ko man na sa guest room na lang dalhin si Vince ay nauwi kami sa silid ko. Wala namang masama sa sinabi ni lolo subalit pakiramdam ko hindi pa rin tama na magkasama kami sa iisang silid lalo pa at kagabi lang kami nagkakilala. Subalit ano pa ng ba ang magagawa ko? Wala akong kakayahan na tutulan pa si lolo lalo’t sarado na ang usaping iyon. Kapag pinilit ko ang gusto, baka pati si Lolo Winderson ay mangialam. Nakasunod lang si Vince sa akin hanggang sa makapasok sa silid ko. Marahan niyang isinara ang pinto saka walang babalang dumiretso sa naghihintay na kama. Hinayaan ko na lang siya. Tinungo ko ang tokador ko at kumuha ng damit pambahay. Bigla lang akong napalingon sa direksiyon ng kama nang malakas na lumangitngit iyon. Bumangon pala siya at tinanggal ang suot na sapatos.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD