“AALIYAH, mabuti naman at dumating ka na,” salubong na wika ni Lolo Ramon. Agad kong kinuha ang kamay niya saka nagmano. “Sorry, lo. May nangyari kasi kagabi kaya hindi ako nakauwi.” Ibinaba ko ang bag ko sa sofa sa sala saka tinungo ang kusina. “Sila mama po?” tanong ko habang nagsasalin ng tubig sa baso mula sa pitsel. “Pumasok na sa eskwelahan kasabay ang mga kapatid mo. Huwag ka mag-alala, alam naman nila na uuwi ka ngayon.” Sinundan ko siya ng tingin nang maglagay ng plato sa mesa. “Sabayan mo akong mananghalian, apo. O, kung busog ka naman, sabayan mo lang ako sa mesa.” “S-sige po.” Tinulungan ko siyang maghain ng pagkain sa hapag-kainan. Nilamon ako ng katahimikan. Nasa harap ko si lolo na maganang kumakain samantalang ako naman ay nag-aabang ng tingin niya upang