VINCE “CONGRATS, Vince!” Tinapik-tapik ni Marcus ang balikat ko. “Lodi na kita, Vince,” singit naman ni Zein. “Mukhang higit pa sa first base ang ginawa mo kay Aaliyah ha?” Tinaas-baba nito ang dalawang kilay. “Ano ba ang sikreto mo?” panunudyo pa nito. “Tigilan ninyo nga ako. Hindi ba dapat ay maging masaya pa kayo dahil masaya ako sa pagpapakasal ko? I mean, hindi ko naman inakala na ganito ang kahihinatnan nang pagtulong ko sa kanya sa Mi Amor Bar.” “You mean to say – siya ang dahilan kung bakit iniwan mo ako sa VIP room?” sabad ni Andrei. “Siya ba ‘yong staff ng TAC?” tanong ni Marcus na nanlalaki ang mga mata. Napailing siya nang tumango ako. “Tadhana nga naman.” Nasa labas kami ng gate habang si Aaliyah ay kausap ang kanyang buong pamilya kasama si Lolo Winderson. Hinayaan ko