“WHERE do you think you’re going?” he asked as I fetched my bag. Titig na titig siya sa akin habang inaayos ang tuwalya sa baywang. “Care to tell me?” “I am going home, Mr. Arguelles. Now, are you happy?” Inirapan ko pa siya saka humakbang na patungo sa pinto. “Ihahatid na kita. Mabilis lang ako maliligo then aalis na tayo.” Natigil ako sa paghakbang saka muling humarap sa kanya. “Hindi na kailangan. Kaya ko naman umuwing mag-isa. Hindi mo na kailangang mag-abala pa.” “But I insist. I’m your fiancée.” Madiin niyang binanggit ang huli. “Grandpa is expecting me to bring you home kahit hindi man niya sabihin sa akin. Nasaan naman ang puso ko para hayaan kang umuwing mag-isa? Isa pa, tiyak kong may tauhan niya ang nagbabantay sa atin sa labas ng silid na ito. Knowing my grandfather, hindi