KABANATA 12

1071 Words

DIKIT na dikit ang mukha ko sa car window kung saan ako nakaupo. Wala akong balak na pansinin ang lalaking katabi ko na nagmamaneho. Ayaw ko rin na magpasimula ng usapan. Pakiramdam ko wala rin naman patutunguhan kaya mabuti na ang manahimik na lang. Kahit na sumasakit na ang leeg ko sa kakatingin sa daan ay hindi ako nag-abalang lingunin si Vince kahit na ang harap na daanan. Titiisin ko na lang muna ang sakit hanggang sa makarating ako ng bahay. Laking pasalamat ko na hindi man lang nag-abalang magsalita pa ito. Marahil ay wala rin namang sasabihin sa akin. Mayamaya pa ay malakas na pumreno ito na ikinagulat ko. Kulang na lang ay mauntog ako. “Hey, what’s wrong with you? Balak mo ba akong patayin sa gulat?” Nanlilisik ang mga mata na nilingon ko siya. “Iyan, tiningnan mo rin ako.” Baha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD