PULANG-pula ang buong mukha ko nang lisanin ko ang rooftop. Hindi pa nagsawa si Vince sa halik na pinagsaluhan namin dahil pinilit niya pa akong tapusin ang breakfast date naming dalawa. Binalaan pa niya ang mga kaibigan niyang wala namang kasalanan. Hindi lumingon ang mga ito hangga’t hindi niya pinahihintulutan. Kahit na nagreklamo na si Zein at Marcus ay hindi pa rin siya nagpatinag. Hinatid pa niya ako hanggang sa pinto ng rooftop sa takot na masilayan ako ng mga kaibigan niya. Bago pa ako makahakbang sa hagdan ay ninakawan pa niya ako ng halik sa noo kasabay ng mahinang pagbulong. “I’ll see you later. May kailangan pa tayong ituloy mamaya.” Tila namigat ang magkabilang pisngi ko. Nang hawakan ko ay mainit iyon. What the hell is happening to me? “Ouch!” “Aaliyah, okay ka lang?” Din