WALA sa sarili na nakarating ako sa loob ng admin office. Pagkatapos kong mailapag ang dala kong bag ay pabagsak akong naupo sa swivel chair. Wala pang ibang tao sa office bukod sa akin kaya kahit papaano ay maluwag akong nakahinga. Marahan kong sinalat ang noo ko. Pakiramdam ko kasi ay lalagnatin ako ng wala sa oras. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang yakap at halik ni Vince na tila tumimo na sa katawan at isipan ko. Animo’y nagbabaga ang bawat madaanan at madampian ng labi niya at ako naman ay inaasahan ng mangyayari iyon. Itinapat ko ang isang kamay ko sa dibdib ko. Hindi pa rin nagbabago ang ritmo niyon mula nang umalis ako ng opisina ni Lolo Winderson. Malakas pa rin ang kabog ng puso ko dahil sa sandaling nakapagsolo kaming dalawa ni Vince. Akala ko noong una ay tuluyan