Wedding Reception: After meeting my parents dinala ko si Martin kinabukasan sa reception ng kasal namin. Isang five star hotel ang napili ko. Nakasuksok ang magkabila niyang kamay sa suot na fitted kakhy pants. Seryuso ang mukhang nakamasid sa paligid. Saglit ko siyang pinagmasdan. Pilit kong binabasa ang takbo ng utak niya. Ano bang iniisip niya? “Kailangan ba talagang ganito kalaki ang venue? At ganito kamahal?” nilingon niya ako. Nahuli niya akong nakatitig sa kanya. “Anong ginagawa mo?” Umiling ako. “Wala,” ibinaling ko ang balintataw sa paligid. “bakit hindi ba maganda?” “Siyempre maganda kaya lang ang mahal nito para sa pekeng kasal.” Hinampas ko siya. “Aray naman, ano ba.” “Tumigil ka nga, baka may makarinig.” “Bakit totoo naman, ah? Malalaman din naman nilang hind ako mayama