Luis POV: Nang maramdaman ko uli ang yakap niya, doon ko napagtanto na, this woman is worth to keep. Pinapakita niyang matatag at matapang siya dahil siya si Loraine Dufort, isang tagapagmana at leader. Ngunit katulad din siya ng mga ordinaryong kababaihan, nangangailangan din siya ng masasandalan, makakapitan at masisilungan. Kaya mula ngayon, pangako, aalagaan kita at ‘di hahayaang masaktan kahit kailan. Niyakap ko siya ng mahigpit. Gusto ko na sa tuwing nanghihina siya, sa’kin siya sasandal, sa tuwing bibitaw siya, nandun ako para kapitan siya at kapag inuulan ang puso niya, ako ang magiging silungan niya. Hindi na ako aalis mula ngayon, Loraine. Promise. Ilang minuto kaming nanatili sa ganung posisyon. Maya-maya pa naramdaman ko ang pagkalas ng yakap niya. “I-im sorry, ginawa ko n