CHAPTER 6

1518 Words
SA ISANG barangay kami nagpunta at ang ikinagulat ko ay nangungupahan ngayon si Heather sa maliit na bahay rito siya nangungupahan. Sa isang compound iyon at napakaingay ng ilang kapitbahay kaya hirap akong matulog at marami pang mga insekto gaya ng daga at ipis. Si Heather ay halatang sanay dahil mahimbing siyang nakakatulog. Hindi ko man itanong ay halata namang may kinalaman ito sa trabaho niya. Hindi naman niya ako kailangang alalahanin kaya siguro ay ayos lang na kasama niya ako pero ang mga nakatira sa compound ang madadamay. May kasiyahan sa barangay kaya may mga contest at iba pa. Contest iyon ng sayaw at dahil alam ni Heather na nandito ako sa Aurora kaya nag offer siya ng dance instructor na libre kaya masayang tinanggap iyon ng Kapitan ng barangay na nakausap ko noong nakaraang araw. Ayos naman sa akin iyon dahil kahit papaano ay mailibang ako. "Hoy, doon ulit tayo matutulog?" Tanong ko kay Heather. "Syempre." Tinataas baba pa niya ang kilay na parang nang aasar. Sa plaza naming napili na mag practice kaya nang papwestuhin ko ang unang grupo ay inayos ko muna sila ng pwesto. Hanggang sa magsimula silang sumayaw ay ang ilan ay nalilito o kaya ay hindi nagsasabay sabay. "Stop." Ani ko. Nilapitan ko ang binatilyong lalaki at itinuro ko sa kanya ang tamang pagsabay ng paa, kamay at katawan. Pinaulit ulit ko iyon sa kanya at agad naman niyang nakuha. Ilang ulit pa ay naging perpekto na para sa akin ang sayaw nila ang sumunod na grupo naman ay may mga kapareha. Babae at lalaki. Medyo sexy daw ang sayaw pero hindi naman bulgar. Natatawa minsan si Heather dahil nahihiya ang lalaki dahil sinasayawan sila ng babaeng kapares. "Don't be shy. Sayaw lang 'yan pero kailangan with feelings. Pero hindi feelings para sa kapareha n'yo." Biro ko pa. Nang mapansin ko ang babae na pilit binibigyan ng malaking distansya ang katawan nila ng kapareha ay agad ko silang pinahinto. "Hindi ka mabubuntis kung ilalapit mo ng kaunti ang katawan mo. Iyan ang pinili niyong sayawin dapat ibigay n'yo lahat." Hinila ko silang dalawa at tumabi sa kanila at ginaya ang step ng babae. "Paano kasi, Ate Savi, may gusto sila sa isa't isa pero may girlfriend si Luigi." napataas ang kilay ko sa sinabi ni Paula na sobrang ingay galing sa kabilang grupo. "Walang kinalaman sa relasyon nyo ang sayaw. Just a piece of advice, Luigi. Choose who your heart shouting. Kahit anong gawin mo may masasaktan ka, so don't say na ayaw mo lang makasakit." Nginitian ko siya at nginitian. Kasing edad niya ang kapatid ko na bente anyos kaya magaan ang loob ko lalo na kay Shayne na hindi makabasag pinggan pero pagdating sa pagsasayaw ay hindi mo na makikilala. Pumwesto ako para ipakita kay Shayne ang maayos na pag sayaw ng napili nila. May choreographer sila pero hindi nila masyadong nakuha ang ilang step kaya nang mapanood ko ang buong sayaw ay nalaman ko na agad kung saan sila nahihirapan, timing. I bend my body and I posed a second and twisted my hips. Nang umikot ako ay nagulat ako nang kaharap ko na si Cade na nasa likod ko pala. "Need a partner?" Napairap nalang ako. "Kuya Cade." Tawag ni Shayne. Bahagya pang kinikilig ang dalaga. "Kamusta ka Shayne. Makinig kayo kay Ate Savi n'yo hindi n'yo alam sinisigawan na kayo niyan sa isip." Natawa ang ilan. "Magkakilala pala kayo, Kuya." Nginitian lang ni Cade si Luigi. "Umalis ka nga d'yan nanggugulo ka na." Mahinahon kong sabi. "Gawin mo akong partner para maturuan sila." Kinunotan ko siya ng noo. "Ayos lang naman kahit ako lang mag isa." Hinila ko ulit ang dalawang nagkakailangan kanina. "Sige na, Savi. Ipakita n'yo kay Shayne at Luigi ang tamang pag sayaw." Sabat ni Heather na pinanigan ng lahat. "Oh, sige na." Ngingiting lumapit si Cade sa akin at biglang hinapit ang katawan ko palapit sa kanya. "Wala ito sa steps." Bahagya ko siyang tinulak dahil nararamdaman ko na ang sandata niya. Sa loob ng tatlong araw ko na hindi nakita si Cade ay talagang nakakagulo ng isip ang biglaan niyang pagpapakita sa amin, sa akin. Hindi sa ayaw ko siyang makita sadyang hindi na maproseso ng utak ko kung bakit iba iba ang pakikitungo niya sa akin. Naiintindihan ko na hindi na ako birhen at nakuha na niya ako, na lalayuan na niyaako pero bakit pa siya nandito? Pilit kong iwinaksi iyon sa isip at iniiwas ang tingin sa kanya. Dahil nasa isang open studio kami rito sa plaza ay may malaking salamin sa harap namin. Pina ayos ko sila ng pwesto habang kami ni Cade ang nasa harap. Nag simulang tumunog ang napili nilang kanta. At habang sinasabayan namin silang sumayaw ay hindi ko alam kung paano nagagawang sabayan ni Cade ang bawat step pero halatang nangangapa siya. At nang mapunta kami sa chorus kung saan nagkamali si Shayne ay agad akog bahagyang tumuwad sa patapikod kay Cade at ipinosisyon ang kamay at huminto ng sandali bago gumalaw ang balakang ko habang si Cade ay sinasayaw ang step para sa lalaki. Nang umikot ako paharap sa kanya ay dapat aalon ang katawan namin kasabay ng beat pero hindi iyon ang nangyari dahil nagkasalubong ang katawan namin dahil nahuli si Cade. "Shit." mahina kong mura nang bahagya naman akong yumukod paharap sa kanya habang siya ay nang aakit. Pinaglandas ko ang daliri ko papunta sa baba niya at ang pinaka ayaw na step ng anim ay ang nanunuksong halik at biglang iiwas. Umiwas ako pero sadyang hinabol iyon ni Cade. Hindi ko nalang pinansin hanggang sa matapos ang step bawat intimate na step ay lagi siyang nagkakamali. "Ang galing niyo ate Savi!" sigaw ng isa na sobrang daldal pero may ibubugaw, sa kabilang grupo. "Nakita n'yo yon? Hinalikan ni kuya Cade si Ate." Bulong ng isa. "Oo, nagdikit din yong ano nila." Bulungan nila, hindi ko nalang pinansin. "Ulit. Ayaw ko ng may magkakamali ah. International instructor si Ate Savi n'yo." Agaw pansin ni Heather sa mga sasayaw. Hanggang sa matapos ang pag turo ko ay nasa gilid lang si Cade na nanonood. Laging nagkakasalubong ang mga paningin namin at minsan pa niya akong inabutan ng tubig na tinanggap ko naman. Hindi siya nagsalita at patuloy sa panonood sa akin. Nang matapos naman ay tumulong ang mga sasali sa contest sa pag aayos ng patimpalak. Habang ako ay natulog sa plaza. Hindi ko kasi nagustuhang matulog sa tinutuluyan ni Heather. Masikit, mainit at makati. Hindi ako makatulog ng maayos at maingay pa sa labas kahit madaling araw na. Dito sa studio may plastic na bench na pang tatluhan kaya nahiga nalang ako at natulog. Nagising ako nang may dahan dahang kumukuha ng phone ko na hawak ko. Pinakiramdaman ko siya at nang makahanap ng tyempo ay mahigpit kong hinawakan ang kamay niya, bumangon ako at pinilipit ko iyon sa likod niya kaya napaluhod siya. Bakas sa mukha niya ang sakit at panay ang sigaw pero naging blanko ako, hindi ako nakapag isip ng maayos at hindi ko marinig ng malinaw ang sigaw niya. "Aray! Aray!" sigaw ng binatilyong patpatin ang katawan. "Aray! Sorry na po!" Hindi ko makontrol ang katawan ko at mas lalo ko pang hinigpitan ang hawak sa braso at mas lalong pinilipit pa ang braso niya. Pinilipit ko ang daliri niya pero may nagpahinto sa akin. Si Cade at Heather. "Stop it, Savi." mahinahong sabi ni Cade habang hawak ang pamulsuhan ko. Binitawan ko ang binata na nanghihina. Marami nang nakatingin sa akin pero wala akong binigyan ng atensyon kundi si Cade. "H-He... He tried... He t-tried to snatch my phone." Sabi ko habang titig na titig na kanya nanginginig ang kamay ko sa sobrang pagkagulat sa ginawa ko. Si Heather ay inasikaso ang lalaking iyon na nanghihina ngayon at umiiyak na sa sakit na dulot ko. "I know. We saw him." Hinawakan ni Cade ang dalawa kong kamay at hinalikan iyon bago ako yakapin. Bigla nalang akong naluha dahil nasa malayo si kapitan. "I'm sorry, Kap." Ngumiti si Kap. at lumapit sa amin. "Ayos lang, Savi. Wanted yan si Albert. Salamat at nahuli mo." Tumango nalang ako at napatingin kay Cade na panay ang punas sa luha kong hindi mahinto sa pag tulo. Hindi ko matanggap na nagawa ko uyon at hindi ko napigilan ang sarili ko. Sa tuwing naririnig ko ang sigaw ni Albert ay mas lalo akong nagiguilty at natatakot na baka kung anong mangyari sa kanya. "Shhh... It's fine, baby. Ayos lang siya nabalian lang siya ng buto." Hinalikan pa niya ang noo ko. Napatitig ako sa kamay kong nanginginig na ngayon. Hawak hawak ni Cade ang kamay ko at panay ang halik sa noo. Nagamit na naman kita. Nakapanakit ka na naman. "Hey, Savi. Listen to me. Ayos lang si Albert. Huwag mo nang isipin 'yon, okay? Hindi mo naman siya napuruhan." Pinunasan niya ang luha ko at hinalikan ako sa pisnge. After 3 years nakapanakit na naman ako ng walang kalaban laban sa akin. Kung hindi lang ako napigilan nila Cade sigurado akong makakapatay na naman ako. Ayoko nang pumatay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD