NANG MATAPOS ang dance contest ay masaya ang lahat at masaya ako para sa mga nanalo sa iba't ibang contest. Hindi ko parin kasi makalimutan ang nangyari kanina. At hindi ko alam kung bakit parang alam ni Cade and pinagdaanan ko kahit hindi naman kami nagkakausap noon tungkol doon.
Kaya nang sabihin ni Cade na sinabi sa kanya ni Heather ay wala na akong nasabi. Ang pagiging malamig sa akin ni Cade noong nasa bahay niya kami matapos may nangyari sa amin ay talagang ipinagtataka ko dahil hindi ganoon ang trato niya sa akin ngayon.
Siya ang kasama ko simula kanina dahil sa nagawa ko. Nakasama ko rin siyang kumain sa restaurant dahil ayaw kong kumain sa karenderya. Kasama ko rin siyang manood sa contest at hindi siya nagsasalita o nagtatanong man lang basta magkatabi kami at minsan ay
Gabi na nang makarating kami ni Heather sa resort na tutuluyan namin at para na rin daw marelax kami pareho bago niya ako ihatid sa Manila at ituloy niya ang kailangan niya sa barangay.
Habang nasa dalampasigan ako, nakaupo sa buhangin ay hindi ko mapigilang mag isip tungkol sa nangyari noon at kay Cade.
Maayos ang tatlong taon ko nagsimula na namang gumulo. Napatingin ako sa phone ko na tumunog.
Cade: Savi, are you okay now?
Nasundan pa iyon ng isa pang text.
Cade: Can we talk?
Napatingala ako sa madilim na langit na tanging buwan lang ang nagpapaliwanag. Paano kung matapos namin mag usap mas lalo siyang lumayo? Paano kung iparamdam niya ulit na hindi niya ako gusto? Masasaktan na naman ako.
Nakuha na niya ako. Nabigyan na niya ng oras at atensyon na gusto ko. Dapat makontento na ako doon. Pero dahil lang sa nararamdaman ko alam ko na ang sagot.
Savi: Sige. Saan?
Susulitin ko na. Lahat na oras na maibibigay niya susulitin ko at kung masaktan man ako, sana hindi na madagdagan.
Cade: Pupunta ako diyan sa resort. Ngayon na. Antayin mo 'ko.
Hindi na ako nag reply at pinagmasdan nalang ang langit at dagat.
Laging sinasabi sa amin ni Madison, Time flies fast when you're having fun, so don't have fun. Sa tuwing naalala ko iyon, naalala ko rin ang pag kindat niya paglatapos niyang sabihin iyon.
Ilang minuto pa akong nagtagal bago dumating si Cade na may dalang pizza and burger, and coke float for drinks. Inilapag niya iyon sa tabi ko habang nakaupo parin sa buhanginan.
"Comfort foods mo daw iyang mga yan sabi ni Mommy." Tiningala ko si Cade na nakangiti. Naka luhod siya sa gilid ko at nagulat nalang ako nang bigla niya akong halikan sa gilid ng labi ko. "Don't think about it, okay?" Hinalikan niya ako sa noo bago tumabi sa akin.
"Alam mo ba kung ano ang iniisip ko?" Mahina kong tanong habang magkatitig kami. "Alam mo ba na...natatakot na akong lumapit ka sa akin na parang dati iyon ang gustong gusto kong gawin mo." pahina ng pahina ang boses.
Alam kong ang hina ko dahil sa maikling panahon ay nasaktan na ako. Masyado lang akong malambot pagdating sa mga mahal ko. Pero hindi naman ibig sabihin ay suko na ako. Dahil nandito na rin naman na kami bakit hindi ko pa sulitin? Magpakasaa ako sa piling niya at kapag nandyan na ang sakit bakit hindi harapin? Paano kung kapag mas mapalapit ako sa kanya ay gaoon din siya at maging masaya kami sa huli?
"Anong sabi mo?" Agad akong umiling at nginitian siya.
"Tara kainin na natin 'to. Uuwi ka na ba pag tapos mo dito? Or mag che-check in ka dito?" Tanong ko sa masiglang boses.
"Doon nalang sa kuwarto mo. Pwede ba?" Nginitian ko siya ng nakakaloko.
"I-score ka ulit sa'kin 'no." Pang aasar ko bago kumagat sa burger.
Natawa si Cade at kumain ng pizza. "Bakit? Hindi mo ba nagustuhan 'yong-"
Hinila ko ang kwelyo ng polo niya palapit sa akin. "I want it hard, fast, and rough to satisfy you, Cade." Bulong ko habang pinagpapalit paulit ang tingin sa mata at labi niya.
I want to satisfy you.
Dinampian ni Cade and labi ko ng halik bago umiwas. "You made me c*m that a lot that means I enjoyed. I don't need to f**k you hard, rough, and fast, Savi. I like it smooth, gentle, and slow." Nakangiti niyang sabi na nagpainit sa pisnge ko.
"I'm glad. I know what I could do to but I don't have experience in pleasure guys." Tinitigan ako ni Cade habang kumakain.
"Don't look at me! Kumakain ako, nakakailang."
Mahinang tumawa Si Cade at bigla nalang akong sinunggaban ng halik sa pisnge. Nanlaki ang mata ko nang may maramdamang basa sa pisnge ko. Natatawa si Cade habang pinupunasan ko ang ketchup sa pisnge ko.
"Bakit ketchup pa." Naiinis kong sabi habang pinupunasan pa rin ang pisnge ko.
"Para kang bata!" Sigaw ko nang lagyan niya ng ketchup ang daliri at ipahid iyon sa leeg ko. "Ano ba! Cade!" naiinis ako na hindi maintindihan sa kababuyan ni Cade.
Panay lang ang punas ko sa mga ketchup na pinapahid ni Cade hanggang sa tumigil siya at kumain nalang ng pizza. "Ang cute mong mainis." inirapan ko lang siya at nang itinukod niya ang braso sa buhangin na parang nakahiga ay may naisip akong kapilyahan.
Uminom ako ng coke at mabilis na umupo sa tiyan ni Cade na ikinagulat niya. Kumuha ako ng isang slice ng pizza at sinampal si Cade.
"f**k. What was that for?"
Umiling ako at sinubuan siya ng pizza. "After that slice, we'll go to sleep." Tinaasan ko siya ng kilay.
"Sleep or..." Nagkibit balikat ako at napahiyaw nang bumangon siya at ipalibot ang braso sa bewang ko. Hindi na ako nakaupo sa tyan niya kundi sa hita na niya.
"Just sleep." Nakangiti niyang sabi at panay ang subo ko sa kanya ng pizza.
"Sav, if that asshole like you back and ask you to be his girlfriend... Would you say yes?"
Nagulat ako sa tanong niya pero nginitian ko lang siya. "Oo, pero kung tatanungin niya ako ng kasal. Pahihirapan ko siya ng sobra." Nakangiti kong sabi habang siya ay sumeryoso ang mukha.
"Dapat papahirapan mo siya bago ka niya maging girlfriend. He didn't treat you nice, Savi." Hindi na ako sumagot sa tanong niya.
"I'll not think that you don't want me to be his girlfriend." Pang aasar ko.
"Ayaw ko naman talaga." Napailing nalang ako sa kanya. False hope, Savi.
Inubos ko ang pizza ng hawak ko bago kami pumunta sa kuwarto ko sa hotel rito sa resort.
A one and a half hour with him in the seashore make me realize something. That I should make our moment happy and stop thinking about things that can ruin it. Dahil may minuto kong tinanggal ang pag iisip at kahit medyo nainis ako sa kanya alam kong nasiyahan ako kahit papaano.
Nang mapasok kami sa kuwarto ko ay agad na nagtanggal ng pang itaas si Cade. "Wala ka na bang babae sa Manila?" natatawa kong biro sa kanya pero hindi siya natawa.
"Wala akong babae sa Manila." tinaasan ko siya ng kilay.
"Asus. Ayos lang sa'kin kung may babae ka 'no." sabi ko habang hinuhubad ang kwintas na regalo ni Daddy sa akin noon.
Inilapag ko iyon sa side table at hinubad ang damit na pinahiram sa akin ni Heather dahil wala akong dalang damit.
"May pamalit ka?" tanong ko kay Cade na nakahiga na sa kama.
Agad siyang bumangon at isinuot ang polo ulit. "Nasa kotse kunin ko lang babalik agad ako." yumuko siya at hinalikan ako sa noo bago lumabas ng kuwarto.
Ako naman ay naligo na. May pamalit akong damit nang mapadaan kami ng mall kanina. Ilang pares din iyon.
Nang matapos ako sa pag ligo ay nasa kuwarto na si Cade at hawak ang phone ko. "Tumawag si Madison. Tawagan mo nalang daw siya." inabot niya ang phone at pumasok ng banyo.
Naupo ako sa kama habang kinakausap si Madison. Naliligo si Cade kaya walang napuna si Madison.
Tinanong ni Madison kung kailan daw ako papasok uli sa hospital dahil siya naman ang may ari ng hospital ay updated din siya sa akin. Ang sabi ko ay baka sa linggo, pagkatapos ng off ko. Pumayag naman siya dahil hindi naman talaga ako required na pumasok dahil pinasok lang niya ako dahil gusto kong kumita.
"Savi." malambing na tawag sa akin ni Cade na kakalabas lang ng banyo.
"Hmm?" tinaasan ko siya ng kilay.
Naka tuwalya lang siya at kitang kita ko ang matipuno niyang pangangatawan. Nakangusong gumapang mapunta sa akin si Cade.
"Bakit ka nakanguso?" Natatawa kong tanong.
Nasa dibdib ko ang mukha niya at nakayakap sa beywang ko ang mga braso niya.
"Aalis ako bukas. May tumawag kasi sa akin kanina. Ayos lang? Mga tatlong linggo din akong wala."
"Ayos lang. Hindi mo naman kailangang magpaalam sa akin. Paano pala 'yong birthday ni Mommy mo?" Sinuklay suklay ko ang buhok niya.
"Uuwi rin ako saglit tapos aalis din agad." Tumango ako at hindi ko mapigilang maging malungkot dahil dapat susulitin ko ang panahong nasa akin pa ang atensyon niya.
Paano kung hindi na ako pagbalik niya?
"Itutuloy ko iyong regalo natin. Makakapunta ka kaya?" Mas humigpit ang yakap niya.
"Susubukan ko. Antayin mo ako ah. Antayin niyo ako ni Mommy." Nakangiti akong tumango at hinalikan siya sa noo.
"Anong oras ba alis mo bukas? Ipagluluto kita bago ka umalis." Tumabi ng higa si Cade sa akin at pinaunan niya ang braso sa akin.
Tinapik ko ang braso niya. "Cade, magbihis kana nga muna." pero hindi nakinig si Cade. Kinulong niya pa ako sa mga hita niya.
"Cade, may kinalaman ba iyon sa pagiging sniper mo?" tanong ko habang nakakulong ako sa hita niya at braso niya.
Nakayakap ang braso ko sa kanya at nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya.
"Oo. Paano mo nalaman?"
"Si Heather." Tumango tango siya bago humalik sa noo ko si Cade, bago bumangon at magbihis. Bago kami tabing matulog.