Chapter 2

2142 Words
"Tell me, Ligs sino ba 'yong boylet na nakilala ninyo kagabi? Ang guwapo raw sabi nina Vivienne at Eden." Nagniningning ang mga mata ni Patty sa sobrang kuryusidad. "Ang laki raw ng maskels," patuloy pa nito na waring gigil na gigil. "I don't know his name." Tinalikuran ko na siya at umupo sa swivel chair. What happened last night with that stranger should be kept secretly. Although it was good, I do not have any plans to meet that stranger again. It sent shivers down my spine whenever thoughts of him crosses my mind, which is not good on my part. I should get back to work, keep myself busy to avoid thinking about him. Kinuha ko ang ilang papel sa ibabaw ng mesa at binasa ngunit hindi pa ako nangangalahati, hinablot na iyon ni Patty mula sa mga kamay ko. "Okay na ito, bes," wika nito at ibinalik and papel sa mesa. "Binasa ko na 'to kanina." "Pero..." "No. Kumain muna tayo. Parating na 'yong lunch na in-order ko. Just sit back and relax. Marami kang kailangang ikuwento sa akin." Hindi na ako nakapagreklamo pa dahil bigla itong tumalikod at lumabas ng opisina. Napailing na lang ako. Asa pa siya na sasabihin ko ang nangyari, baka mainggit pa siya. Natampal ko ang aking noo dahil sumagi na naman siya sa utak ko. Hindi ito maaari. Kailangang makalimutan ko ang pangyayaring iyon. Lumabas na lang ako ng opisina para tulungan ang mga sales lady, sa ganoong paraan malilibang ako at hindi ko na rin siya maiisip ngunit nakasalubong ko si Patrick dala ang in-order na pagkain. "Help naman, Ligs. Nagmumukha akong delivery girl nito. Hindi bagay sa beauty ko, 'no." Napangiti na lang ako at kinuha ang bitbit niyang plastic bag kung saan nakalagay ang mga pagkain. Nagtaka ako nang mailagay ko na sa mesa, ang daming pagkaing in-order ni Patty. At mas lalo akong nagtaka dahil nilibre nito ng lunch ang apat na sales lady gayong napakakuripot nito. Nagsimula na kaming kumain kaya hindi ko na inimik pa si Patrick. Pinagtuunan ko ng pansin ang pagkain. At dahil masarap, naparami ako ng kain samantalang sumusubo nang paunti-unti ang kaharap ko. Nakatingin ito sa akin na tila hinihintay akong magkuwento. "May problema ka ba sa akin? Bakit ganyan ka kung makatingin? Don't tell me nagbago na ang preference mo?" sunud-sunod kong tanong na ikinasimangot nito kaya tumawa ako. "Maghubad ka man sa harap ko, hindi kita magugustuhan. Yuck! Hindi ako pumapatol sa kalahi ni Eba. Hallur..." Umikot ang mga mata nito sabat irap sa akin dahilan para lalo pa akong mapatawa nang malakas. "I thought you like me," pang-aasar ko pa sa kaniya. May tiwala ako sa kaibigan kong ito. Never itong nagsamantala sa pagiging magkaibigan namin kaya kahit magbiruan kami gaya ngayon, okay lang. "Ang lagkit kaya ng tingin mo sa akin. Huwag mag-deny, aminin," biro ko saka iwinagayway sa ere ang kanang hintuturo. "I won't deny it, Ligs, I like you," ngumiti muna ito saka nagpatuloy, "not romantically but as a friend or more like a sister to me. You know naman na nag-iisa akong girl sa amin. Kayong apat para ko na kayong mga kapatid kaya gusto ko maging bahagi ng buhay ninyo." "Naks, naman, Patty, nagdadrama ka na naman. Iiyak na ba ako?" biro ko pa dahil seryosong-seryoso ito. "Gaga 'to. Bakit? Bawal ba magdrama?" Ngumuso ito kaya humagalpak ako sa kakatawa. Usling-usli kasi ang labi nito na parang tuka ng pato. Pinandilatan niya ako ng mata kaya tumigil na ako sa kakatawa. "Anyways, kumusta 'yong away kagabi? Parang may saksakan na naganap." Makahulugan itong tumingin sa gawi ko at ngumiti na parang kinikilig. "Away? Saksakan?" tanging naisagot ko dahil hindi ko maintindihan ang tanong niya. "Umalis din kaagad ako sa bar. Hindi ko alam kung nagkaroon ng away kagabi nang makaalis na ako. Tinanong mo na ba sina Vivienne at Eden?" "Gagita," bulong nito subalit dinig na dinig ko. "Hindi literal na away o saksakan ang tinutukoy ko. You know, popping the cherry for the second time." Tumingin ito sa akin nang diretso at saka malanding ngumiti dahilan kaya medyo tumabingi ang makapal nitong labi. "How was the experience? Kuwento ka naman diyan, Ligs. Naka-ilan kayo kagabi?" Ngumiti pa ito na tila nanunudyo. "Experience?" Napaarko ang mga kilay ko. "Walang ganoong ganap, uy," mariing tanggi ko. Mahirap na, baka pagtawanan pa ako nito. "Nagkakamali ka lang." Napakunot ang noo nito nang muling tumingin sa mukha ko saka umiling. "Well, siguro nagkakamali ako pero iba kasi ang aura mo ngayon, girl. Parang--" Tumigil ito sa pagsasalita at waring inaapuhap ang susunod na sasabihin. "Parang?" wika ko. "Parang ano?" Walang preno ang bibig nito nang muling magsalita. "Blooming ka ngayon, teh. Waring nakatikim ng sausage with matching eggs kagabi." Uminit ang pisngi ko nang marinig ang salitang sausage. 'Hindi iyon sausage, mas pa sa sausage 'yon' gusto ko sanang isagot ngunit nanahimik na lang ako. Ayokong malaman niya maging ng iba pa naming kaibigan na nakipag-one night stand ako kagabi. Nakakahiya. For almost ten years, ngayon ko lang ginawa iyon. "Pagbaba mo pa lang kanina sa taxi, unang tingin ko pa lang, alam kong may something na, e," patuloy pa nito. Sumandal ito sa likod ng upuan at ikinurus ang mga braso sa dibdib saka tumingin sa akin na tila inaanalisa kung nagsasabi ako ng totoo. "Shut up na, Patrick," saway ko rito. "Walang tikiman portion na nangyari kagabi, understand? Maaga akong umuwi kaya nakapagpahinga ako nang maayos. Kahit tanungin mo pa sina Vivienne at Eden." Matapos mananghalian, nagpunta ako sa bodega para tingnan ang mga bagong deliver na damit. Kailangan malagyan ng price ang mga iyon bago i-display. "I thought half day ka ngayon?" tanong ko kay Patrick nang dumating ito sa bodega bandang alas dos ng hapon. Abala ako sa paglalagay ng price sa mga damit kaya nang umupo ito sa tabi ko ay ipinagpatuloy ko na ang ginagawa. "Bakit narito ka pa?" "May biglaang appointment si boyfie kaya hindi kami tuloy." Ngumuso ito at nangalumbaba. "Uy," wika ko sabay siko kay Patrick, "ibaba mo nga 'yang kamay mo. Mahirap baryahin 'yan. Nagkakaubusan ngayon ng barya," biro ko rito subalit parang walang narinig kaya binitiwan ko ang damit para kausapin siya. "Cheer up, bes! Ngayon lang hindi natuloy ang lakad nito. Unawain mo na lang siya." Mas lalong nanulis ang nguso nito. "May magagawa pa ba ako? Kahit naiinis ako walang choice ang beauty ko kundi maghintay kung anong oras mag-e-end ang meeting niya. Pasalamat siya mahal na mahal ko siya, kung hindi naku..." "Intindihin mo na lang kasi. Para rin naman 'yon sa future n'yo," wika ko para mabawasan ang inis nito. "You think may future kami, bes?" Dama ko ang pait sa kaniyang boses nang sabihin niya iyon. "Of course naman. Tumagal nga kayo ng ilang taon at kitang-kita ko ang nag-uumapaw na pagmamahalan sa mga mata ninyo, so don't worry, mahal ka rin no'n." "'Yan ang gusto ko sa 'yo, Ligs, lagi kang positibo even when things around you are falling apart. Marami kang problem pero nagagawa mo pa ring magpatuloy sa buhay. How to be you, bes?" Ngumiti ito nang banggitin ang huling pangungusap. "Naku, Patty, 'wag mo na pangarapin pa na maging ako. Mahihirapan ka lang." Laging gano'n ang isinasagot ko sa tuwing nagtatanong sila kung paano maging ako. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko nakayanan ang mga unos na dumating sa aking buhay nitong nakaraang sampung taon. Maraming beses na gusto ko ng sumuko pero pinilit kong lumaban para kay Clint, ang nag-iisa kong anak. Ang bunga ng inakala kong tunay na pagmamahalan subalit isa lang palang kasinungalingan. Pumatak sa magkabila kong pisngi ang ilang butil ng luha nang maalala ko ang kawalang-hiyaan ni Fern, ang ama ng anak ko. "Ay, ang galing mag-advice, pero hindi mai-apply sa sarili. Hindi pa rin maka-move on ang peg." Dinig kong wika nito kaya binatukan ko. "Sira! Matagal na akong naka-move on sa bwusit na 'yon, 'no." "Seriously, bes, bakit hindi mo tanggapin ulit ang ama ng anak mo?" Inabutan ako nito ng panyo. "Bigyan mo ng second chance. I'm sure magiging mabuting ama siya kay Clint at asawa sa 'yo." "Believe me, Patrick, I tried. I did give him another chance, well not just second chance. Third chance, fourth, fifth, sixth, seventh until I lost count how many chances it were." Nabigla ito sa mga sinabi ko. Wala kasi itong alam maging ang tatlo pa naming kaibigan sa totoong nangyari sa relasyon namin ni Fern. Pinili kong manahimik para protektahan ang anak ko. "Two years being married to him is like living in hell. I went through a series of bethrayal, he cheated on me several times with the same girl but still, I always forgive him the moment he asks for it. The cycle goes on and on until Clint was born. I thought he will change for the sake of our baby, but no, he became worst a few months I gave birth. That was my turning point, I already decided that time na hiwalayan siya at umuwi na lang ng bansa. Tao lang ako, Patty, napapagod din ako, napapagod din ang puso ko." Pinunasan ko ang kumawalang luha sa pisngi. Niyakap ako nang mahigpit ni Patty. "Minsan hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko kung bakit nagpakatanga ako sa kaniya, nagtiwala at hinayaang paulit-ulit akong lokohin nang gano'n." "I am sorry. Ngayon ko lang nalaman ang lahat. You should have told me before. Ang akala namin simpleng hiwalayan lang ang nangyari. Na nagkasawaan kayo, ganern. I never thought na may third party. Humanda sa akin ang Fern na 'yan! Huwag siyang tutuntong dito sa Pilipinas, makikita niya ang hinahanap niya." "Pabayaan mo na siya, Patty." Kumalas ako mula sa pagkakayakap niya at pinunasan muli ang aking pisngi. "Lalabas na bitter ako. Isa pa matagal na 'yon. Ayokong magmukhang katawa-tawa sa paningin niya." "Tanong ko lang, bes, ha, paano kung hilingin sa 'yo ni Clint na mabuo ang pamilya ninyo? Alam naman natin kung gaano kasabik sa ama ang inaanak ko." Natigilan ako sa tanong na 'yon ni Patty. Magagawa ko ba kapag iyon ang hiniling ng anak ko? Lalo pa't dumating na sa bansa ang ama nito. Mayamaya tumunog ang phone ni Patrick kaya hindi ko na nasagot ang tanong nito. "Nasa coffee shop ang mga bruha. Pinapapunta tayo," wika nito at bahagyang itinaas ang phone. "Ano, game ka? Bukas mo na 'yan ituloy," tukoy nito sa mga damit na nilalagyan ko ng price. Tumango lang ako at kinuha ang bag para mag-retouch ng make-up. Mas maigi pa na makasama ko ang barkada kaysa mag-isa rito sa bodega at iniisip ang ginawang panloloko ng lalaking iyon. "Tama na 'yan, bes. Kahit huwag ka na maglagay ng make-up, kamukha mo pa rin si Nina Dobrev." "Nina Dobrev? Sino 'yon?" "'Yong gumaganap na bampira sa The Vampire Diaries. Nood din kasi ng telebisyon 'pag may time. Napag-iiwanan ka na. Sabagay, wala ka nga palang time sa love, sa showbiz pa kaya at current events." Tumalikod na ito at nagpatiuna na sa paglabas. Ni-lock ko muna ang bodega at sumunod sa kaniya. Walking distance lang ang coffee shop kaya hindi na kami nag-abala pa na mag-taxi. Naglakad na lang kami at dahil nakasuot ako ng stilleto, kumapit ako sa braso ni Patrick. Napangiti ako nang makita ang tatlo naming kaibigan na nakatulala habang nakatingin sa amin. Nakasimangot naman si Patrick sa tabi ko. "Mga bes, may nakikita ba kayo na hindi namin nakikita ni Patty?" tanong ko nang makalapit kami saka lumingon para tingnan kung may nakasunod sa amin. "Tulala na kayo riyan." "May nangyari ba kagabi, Ligs?" tanong ni Eden. Umiling ako at umupo sa tabi ni Patty. "Parang may kakaiba, e," sabad naman ni Vivienne. "Oo nga, girls." Tumingin ako kay Kaye dahil kinalabit ako nito. "Kakaiba ang aura natin ngayon, Ligs. Anong meron?" "'Yan din ang sinabi ko sa babaitang iteh kanina pero todo deny ang lola n'yo," wika ni Patty nang hindi ako nagsalita. "Kesyo nakatulog nang maaga kaya blooming." Ngumiti lang ako sa kanila at tinawag ang waiter para um-order. "'Yon naman pala, e," saad ni Eden. "So wala kang excuse para mamaya. Pupunta ulit tayo sa bar. Saturdate ngayon, remember." "I will try." Nilingon ko ang nakasimangot pa ring si Patrick. "Hoy, sorry na, bakla." "Kainis ka, Ligs. Next time, huwag ka kakapit sa braso ko. Panira ka sa beauty ko. Napapagkamalan akong boyfriend mo. Yuck!" At umasta pa ito na parang nasusuka kaya tumawa ang mga kaharap namin. "Arte nito--" Napatigil ako sa pagsasalita nang lumapit sa akin ang waiter at may ibinigay na nakatuping papel. Nag-aalangan man pero binasa ko pa rin iyon at nagulat ako sa nakasulat doon. 'You are mine the moment you allow me to kiss you. Mine and mine alone. You belong to me in the first place.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD