Chapter 1

2093 Words
Oh my God! What have I done? Hindi ko dapat hinayaang mangyari 'yon. Nakakahiya. Ano na lang ang sasabihin sa akin ng mga tao? Ng mga kaibigan ko? That I've hooked-up with a man who is much younger than me? I feel like a cougar, my goodness! Bakit ba ako napapayag ng lalaking iyon na sumama sa condo niya? Oo, guwapo siya, given na 'yon. "Ma'am, saan po kayo bababa?" tanong ng taxi driver dahilan para matigil ang pag-iisip ko tungkol sa nangyari kagabi. "Ma'am?" ulit nito. "S-sa GF Homes po, manong," nauutal kong sagot at ibinigay ang number ng bahay na tinitirhan ko. Nagpatuloy naman ito sa pagmamaneho at hindi na nagtanong pa. Marahil ay nakuha na niya ang ibinigay kong direksiyon. Muli, naalala ko na naman ang mukha ng lalaking iyon. The way he smiles which makes his face looks younger than his right age. From what I had heard, he and his colleagues just got their bachelor's degree yesterday and they have decided to celebrate it at the bar. Again, guilt consumes me. He is a fresh graduate so probably he is just in his early twenties. My God! Nakakahiya kapag nalaman 'to ng mga kaibigan ko. Pagtatawanan ako ng mga iyon. Hindi ko gawain ang makipag-one night stand pero bakit isang halik lang ng lalaking iyon napapayag niya akong sumama? I am an occasional drinker at hindi ako party girl kagaya ng mga kaibigan ko. Mas gusto ko pa magbabad sa bahay para alagaan ang anak ko o kaya asikasuhin ang boutique na siyang pinanggalingan ng ikinabubuhay namin. "Narito na po tayo, Ma'am," wika ng driver kaya napalingon ako sa labas ng bintana ng taxi. "Ma'am?" nagtatakang tanong nito. "Saglit lang po, manong," wika ko at senenyasang 'wag maingay. Nakita ko kasi ang kotse ni Fern na papaalis. Hinintay ko munang lumiko iyon saka ako bumaba ngunit laking inis ko nang mapagtantong wala sa akin ang purse at ang cellphone ko. Natampal ko ang aking noo nang maalalang naiwan ko iyon sa condo dahil sa pagmamadaling makaalis sa lugar na iyon. Mabuti na lang at spare cellphone ang dala ko kagabi at maliit lang na halaga ang laman ng purse ko. "Saglit lang po, manong," sabi ko sa driver at tumalikod na. Pagkapasok ko ng bahay gulat na gulat si yaya sa hitsura ko ngunit hindi na ito nagtanong pa kung ano ang nangyari sa akin. "Ma'am, buti dumating na po kayo," bungad nito sa akin. Dumiretso ako sa kwarto para kumuha ng perang pambayad sa taxi driver habang nakasunod si yaya. "Nakaalis na po si Clint. Si Sir Fern po ang naghatid sa kaniya papuntang school." Tumango lang ako at ibinigay sa kaniya ang pera. "Pakibayaran ang taxi driver sa labas, yaya." "Opo, Ma'am." Tumalikod na ito at lumabas na ng kwarto ko. Pagkalabas na pagkalabas ni yaya, ibinagsak ko ang sariling katawan sa kama. I feel so exhausted but still, I manage to take a decent bath before making myself comfortable in my bed. Ayaw akong dalawin ng antok gayong halos wala akong tulog kagabi. Dilat na dilat pa rin ang mga mata ko at hindi ko na naman maiwasang hindi maalala ang nangyari kagabi. The s*x itself, no, our lovemaking was...magical—that was the right word. No one has ever made me feel the way I felt last night in the arms of that handsome stranger. Parang napakaperpekto ng gabing iyon kahit alam kong isa lamang iyong kasinungalingan. Isang bagay na pagkatapos maganap ay kailangan ng kalimutan at ipaglatuloy kung ano ang reyalidad. "f**k! You are so tight," dinig kong wika niya na lalong nagpainit sa buo kong katawan. Hindi naman ako gano'n kalasing kaya alam ko ang nangyayari sa paligid ko. Nakapatay ang ilaw sa kwartong iyon at tanging liwanag na nanggagaling sa lampshade ang dahilan kaya naaaninag ko ang kaniyang mukha. Seems like I was dreaming the moment I stared into his eyes. Natutuliro ako sa mga titig niya. I can not help but moan as he thrust himself in and out. The feeling was great. It's almost ten years since I have done something like this. Para akong ibon na nakawala sa kulungan ng mahabang panahon. Malaya...malaya sa sakit na dala ng kahapon. Sakit na matagal ko ng kinikimkim, sakit na kasa-kasama at karamay ko sa mahabang panahon. "You are perfect...no, we are perfect...together," I heard him whispering in my ears. Pati boses niya nakakaakit, nakakapanghina. "I can make love to you all night long. You are too beautiful to resist." Beautiful. That word. Kailan ko ba narinig ang salitang iyon? O narinig ko na ba iyon sa kaisa-isang lalaking minahal ko? "Oohh...oohh..." Hindi ako makapaniwalang sa mismong bibig ko nanggaling ang mga ungol na iyon. How come? Umuungol ako nang hindi ko namamalayan. "That's right, sweetheart." Muli, narinig ko na naman ang boses niyang nakakaakit. "Moan all you want. I really f*****g love it." Ngumiti ito na tila nanunudyo saka nagpatuloy sa paghalik sa kung saan-saang parte ng katawan ko. Halik na nakapanghihiina ng tuhod ngunit nakakapanabik at halos mapugto ang aking hininga sa tuwing dadampi ang mainit-init niyang labi sa balat ko. Halik na may pag-iingat, halik na may pagsamba na alam kong nararapat lang sa isang prinsesa. Ang swerte ng babaing makakatuluyan nito balang araw. "Forget all those nonsense, sweetheart," bulong niya na tila nababasa ang nasa isip ko. "Just focus...on me, on us." Matapos sabihin iyon tuluyan na niyang sinakop ang labi ko. Mas nalasing pa ako sa mga halik niya kaysa sa nainom kong alak kanina. Hindi ko mapigilang hindi umungol nang bumaba ang mga halik niya sa sensitibong parte ng leeg ko. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam, masarap na nakakakiliti na ewan. It's not my first time pero parang ang mga sandaling ito ang siyang tatatak sa aking isipan hanggang sa huling hininga ng buhay ko. Nakakabaliw na hindi ko maintindihan. Patuloy na bumaba ang mga halik niya at tuluyan na akong nawala sa katinuan. I even lost count how many times we did it. Basta ang alam ko we made love. I had s*x with the gorgeous stranger I met at the bar. Pawis na pawis ako nang magising dahil sa tunog ng cellphone na naroon sa ibabaw ng bedside table. Kukunin ko na sana iyon para tingnan kung sino ang tumatawag nang biglang tumigil ang ringtone kaya hindi na ako nag-abala pa. Kumuha na lang ako ng towel para punasan ang pawisan kong katawan. Napailing na lang ako. Hanggang sa panaginip dinadalaw ako ng pangyayaring iyon at ang hindi ko maintindihan ay kung bakit parang gustong-gusto iyon ng katawan ko. Hindi man lang magawang kumontra ng utak ko. Bumuntong-hininga ako at papasok na sana sa banyo nang tumunog na naman ang cellphone. "Hello," bungad ko sa kabilang linya habang pinupunasan ang leeg ko. "My god! Ang bruha!" Dinig kong wika ni Patrick kaya inilayo ko ang phone sa aking tainga. Panay pa rin ang kuda nito pero hindi ko na pinagkaabalahan pang intindihin iyon. Natutulili ang tainga ko sa tuwing titili ito. "Patrick, ano ba! Kagigising ko lang. Huwag ka ngang tumili riyan na parang kinurot ka sa singit. Naiirita ako." "Patty." Pagtatama nito sa pangalan niya. Ayaw kasi nito magpatawag sa tunay nitong pangalan dahil nakakakilabot daw iyon. "Kaka-hurt ka, bes! Buti na lang maganda ang gising ko kaninang umaga." "If I know, inumaga na naman kayo ng boyfriend mong walang abs." Lihim akong napangiti sa huling salitang sinabi ko. 'Abs'—naalala ko na naman...no! Hindi ito pwede. I need to push him out of my mind. I need to forget him although the night with him was... "Ay grabe ka, Ligs. Hindi naman. Umuwi kaagad siya dahil dumating kagabi 'yong parents niya, kaya hayun solo flight ang beauty ko magdamag. Anyway, babawi naman daw siya sa akin mamaya. So, alam na this." At tumili na naman ito. Kahit hindi ko nakikita si Patty, alam kong nagniningning na naman ang mga mata nito sa sobrang excitement mamaya. "Nga pala, Ligs. Kailangan mo na pumunta rito. Apat lang ang saleslady dito. Hindi pumasok si Rica, maysakit daw." Nagtaka ako kung bakit mababa ang tono ng pananalita nito. Dati-rati kasi kapag ganitong may absent na saleslady, sige na ang kakatalak nito. Kulang na lang gumamit ng megaphone para i-broadcast sa buong barangay ang inis na nararamdaman. Marahil may nasagap itong magandang balita kaya gayon na lang ang mood nito. "Sure. Pupunta na ako riyan." "Bilisan mo, ha. Half-day lang ako today. Susunduin ako ng papa ko." At tumawa ito nang ubod nang landi. Napangiti na lang ako sa iniasta ni Patty. Masaya ito sa piling ng boyfriend kahit pa sabihing same gender sila. Parehas kasi ang pananaw nila sa buhay kaya nagkakasundo sila. Okay naman sa aming apat ang boyfriend niya. Hindi kagaya ng ibang nakarelasyon niya na hindi mo mabiro-biro. Mabait ang boyfriend ni Patty at ilang beses na rin naming nakasama sa mga galaan. Sa ngayon, si Patrick ang pinagkakatiwalaan ko sa pamamahala ng boutique. Ito kasi ang nag-suggest sa akin na magtayo ng ganitong negosyo siyam na taon na ang nakakaraan. Sa awa ng Diyos, umunlad din ito at nakapagpatayo pa ako ng isa pang branch sa kabilang bayan. "Ligs, nariyan ka pa ba?" tanong nito mayamaya. "Of course. I will be there in an hour." "Make it half an hour. Dito ka na mag-lunch. May birthday party akong pupuntahan. Well, of course kasama si papa." Lihim akong tumawa nang paliitin nito ang boses nang bigkasin ang salitang papa. In love na in love talaga ito sa boyfriend niya. Minsan hindi ko maiwasang hindi mainggit sa kanilang dalawa. "I will try." Ibinaba ko na ang phone at pumasok na sa banyo para maligo. Pakanta-kanta pa ako habang sinasabon ang katawan. Hindi ko alam kung bakit parang ang gaan-gaan ng pakiramdam ko ngayon kahit ilang oras lang ang itinulog ko. Parang bigla-bigla ay gumanda ang tingin ko sa mga bagay-bagay sa paligid. Parang napakaaliwalas ng kapaligiran kahit na may nagbabadyang pag-ulan dahil maulap ang kalangitan. Isang maong na ripped jeans at crop top ang napili kong isuot. Ako ang may-ari ng boutique kaya pwede kong isuot kung ano ang gusto ko. Isa pa matagal na akong pinagsasabihan ng mga kaibigan ko na subukan ang ganoong style dahil bagay daw iyon sa akin. Wika nila, iyon daw ang uso sa ngayon. Sa amin kasing magkakaibigan, si Vivienne ang pinaka-metikulosa pagdating sa pananamit. Fashionista ito palibhasa modelo ang boyfriend ng isang sikat na clothing line ng bansa. Itinali ko lang ang aking buhok matapos patuyuin saka bumaba na. Hindi na ako nag-abala pang kumain dahil sa pagmamadali. Kailangan kong makarating sa boutique in less than twenty five minutes. Ayaw ni Patrick na nahuhuli sa pinag-usapang oras lalo na't magkikita sila ng boyfriend niya. Bitbit ang bag, tinungo ko ang aking kotse ngunit sa kasamaang palad hindi ko mahagilap ang susi niyon. Ilang minuto rin ang dumaan at nang hindi ko talaga mahanap, napagpasya akong mag-taxi na lang. Pihadong nakataas na naman ang kilay ni Patrick kapag na-late ako gayong may pupuntahan siyang party. Dahil walang traffic, nakarating ako sa boutique in less than twenty minutes. Nang makababa ako sa taxi, sinalubong kaagad ako ni Patrick nang nakangiti. Bumeso ito sa akin at niyakap ako nang mahigpit na animo'y ilang taon kaming hindi nagkita. Napakaaliwalas ng mukha nito, parang walang problema. "Patrick, bitiwan mo nga ako. Hindi ako makahinga," reklamo ko kaya agad akong pinakawalan. "Ang arte natin ngayon, ah?" tumingin ito sa akin mula ulo hanggang paa saka umirap. "E, sa nasasakal ako. Tumabi ka nga riyan, dadaan ang reyna." Ngumiti ako at sinenyasan siyang umalis sa dadaanan ko. Nang makalagpas ako, nilingon ko siya saka inirapan. Kailangan kong makaganti. Ngumiti ako at taas-noong binuksan ang glass door ng boutique habang nakasunod siya na tila may ibinubulong. "Mukhang blooming ka ngayon, Ligs." Napalingon ako nang magsalita si Patrick sa gawing likuran ko. Hanggang dito ba naman sa maliit kong opisina sinundan pa ako. Pumihit ako para harapin siya. Tinitigan niya naman ang mukha ko na tila may nakikitang kakaiba. "Uy, Ligaya, tinatanong kita. Tell me, 'nag-let go' ka na ba?" Itinaas pa nito ang magkabilang hintuturo na tila ginawang quotation mark saka nagpatuloy, "iba ang aura natin ngayon, teh. Parang nakatikim ng kakaibang putahe kagabi." At makahulugan itong ngumiti saka iniikot ang mga mata matapos pasadahang muli ang kabuuan ko. Hindi ko alam kung nabanggit sa kaniya ng ibang kaibigan namin ang tungkol sa nangyari kagabi pero nagimbal ako sa sunod niyang sinabi. "If I know, may boylet ka kagabi, am I right, dear?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD