22 - Moving In “Sis, ano ba ‘yang pinasok mo?” reaksyon ni Jen nang sabihin ko sa kanya ang sitwasyon ko. “Hindi ko nga rin alam bakit nagkaganito,” nakangusong tugon ko at napakamot na lang ng ulo. “Akala ko magpapanggap lang akong girlfriend, eh.” “So paano ‘yan?” Huminga ako nang malalim. “Papayag ba ako?” tanong ko sa kanya. “Wala na akong maisip na ibang paraan, eh.” “Well, kung iisipin, maganda ang offer sa ‘yo. Malaki ang pera. Pero si Eros?” “Iyon na nga. Baka isipin niya na tatay niya ‘yong boss ko, which is ‘yon naman talaga ang totoo, pero alam mo naman na hindi pwedeng malaman ng boss ko na kami ang matagal na niyang hinahanap, ‘di ba?” tugon ko. “Tulungan mo naman akong mag-isip ng paraan, oh? Hanggang hatinggabi lang ako dapat magdesisyon.” Nagkatitigan kaming dalawa a