19 – Smaller World

1667 Words

19 – Smaller World ‘Be as early as possible.’ Nakatitig lang ako sa screen ng cellphone ko matapos kong mabasa ang text sa akin ni Thadeus. Nang tingnan ko ang oras ay alas-tres pa nang madaling araw niya ‘yon s-in-end sa akin. Natutulog pa ba ‘tong tarantádong ‘to? Napailing na lang ako. That;s none of my business anymore. Inasikaso ko na lang si Eros para maiwan ko na siya kina Jen. Sa totoo lang ay nahihiya na talaga ako sa kaibigan ko. Alam kong may mga bagay na siyang hindi nagagawa dahil nasa kanya ang anak ko. Pero wala na akong magagawa kundi ang kapalan ang mukha ko. Babawi na lang ako sa kanya kapag naayos ko na ang mga kailangang ayusin. Napatingin ako sa anak ko. Halatang inaantok pa ito. Medyo mas maaga ko kasi siyang ginising ngayon dahil kailangan kong pumunta nang maag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD