20 – Colliding Kanina pa ako hindi mapakali sa kinauupuan ko. Hindi mawala sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Thadeus. He seems like he’s really serious about it. Sinabi niya sa akin na non-negotiable ang bagay na ‘yon since it will make the act more believable. Sinabi niya rin sa akin na wala raw siyang nakikitang rason para humindi ako, which is true dahil hindi naman niya alam na itinatago ko ang anak naming dalawa. Napabuga na lang ako ng hangin bago itinuon ang atensyon ko sa desktop. Pero nabigla na lang ako nang bigla akong hilain ni Thadeus at pinaupo sa hita niya. “She’s here,” bulong niya sa akin bago ko naramdaman ang kamay niya sa likod ng ulo ko kasabay ng paglapad niya ng kanyang labi. Hindi na ako nakapagtanong pa kung sino ang ‘she’ na sinasabi niya. And I don’t think I